14 Malapit na ang nakakatakot
na araw ng paghatol ng Panginoon.
Itoʼy mabilis na dumarating.
Mapait ang araw na iyon,
dahil kahit na ang matatapang na sundalo
ay sisigaw para humingi ng tulong.
15 Sa araw na iyon,
ipapakita ng Diyos ang kanyang galit.
Magiging araw iyon ng pighati
at paghihirap,
araw ng pagkasira
at lubusang pagkawasak.
Magiging maulap at madilim
ang araw na iyon,
16 at maririnig ang tunog ng trumpeta
at sigawan ng mga sundalong sumasalakay
sa mga napapaderang lungsod
at sa matataas na tore nito.
17 "Sinabi ng Panginoon,
‘Ipaparanas ko ang paghihirap sa mga tao,
at lalakad sila na parang bulag
dahil nagkasala sila sa akin.
Dadaloy na parang tubig1:17 tubig: Sa Hebreo, buhangin. ang kanilang dugo,
at mabubulok na parang dumi1:17 mabubulok na parang dumi: O lalabas ang kanilang mga bituka sa kanilang katawan na parang dumi.
ang kanilang bangkay.
18 Hindi sila maililigtas ng kanilang mga pilak at ginto
sa araw na ipapakita ko ang aking poot
na parang apoy na tutupok sa buong mundo.
Sapagkat tuluyan kong wawakasan
ang lahat nang naninirahan sa lupa.’ "