15 Halimbawa, walang maisuot at walang makain ang isang kapatid, 16 at sasabihan mo, "Pagpalain ka ng Diyos at hindi ka sana ginawin at gutumin," ngunit hindi mo naman siya binigyan ng kailangan niya, may nagawa ba itong mabuti? 17 Ganito rin naman ang pananampalataya; kung hindi ito kinakikitaan ng mabuting gawa, wala itong kabuluhan.