3 Binubusalan natin ang mga kabayo sa bibig para sumunod saan man natin gustong papuntahin. 4 Isipin nʼyo rin ang mga barko na kahit napakalaki at itinutulak ng malakas na hangin ay napapabaling ng maliit na timon at napapapunta ng kapitan saan man niya gustuhin. 5 Ganoon din naman ang dila natin; kahit itoʼy maliit na bahagi ng katawan, nakakagawa ng malaking kayabangan. Isipin ninyo kung gaano kalawak na gubat ang masusunog dahil sa maliit na apoy. 6 Ang dila ay tulad ng apoy. Napakaraming kasamaan ang nagmumula sa ating dila at ito ay nagpaparumi sa buong pagkatao natin. Katulad ito ng apoy na nanggagaling sa impiyerno, at sumisira sa buong buhay natin.
7 Lahat ng uri ng hayop na lumalakad, lumilipad, gumagapang o nakatira sa tubig ay napapaamo ng tao. 8 Ngunit walang taong nakakapagpaamo sa dila niya. Itoʼy walang kapaguran sa kasamaan at nagtataglay ng nakakamatay na lason.