1 At sinabi ng Panginoon kay Moises, Tingnan mo, ginawa kitang dios kay Faraon: at si Aaron na iyong kapatid ay magiging iyong propeta. 2 Iyong sasalitaing lahat ang aking iniuutos sa iyo: at sasalitain kay Faraon ni Aaron na iyong kapatid upang kaniyang pahintulutan ang mga anak ni Israel ay lumabas sa kaniyang lupain. 3 At aking papagmamatigasin ang puso ni Faraon, at aking pararamihin ang aking mga tanda at ang aking mga kababalaghan sa lupain ng Egipto. 4 Nguni't si Faraon ay hindi makikinig sa inyo, at aking ipapatong sa Egipto ang aking kamay at ilalabas ko ang aking mga hukbo, ang aking bayan, na mga anak ni Israel, sa lupaing Egipto sa pamamagitan ng mga dakilang kahatulan. 5 At malalaman ng mga taga Egipto na ako ang Panginoon, pagka iniunat ko sa Egipto ang aking kamay, at pagka inilabas ko ang mga anak ni Israel sa gitna nila. 6 At ginawang gayon ni Moises at ni Aaron: kung paanong iniutos ng Panginoon sa kanila, ay gayon ginawa nila. 7 At si Moises ay may walong pung taon gulang, at si Aaron ay may walong pu't tatlong taong gulang nang sila'y magsalita kay Faraon. 8 At nagsalita ang Panginoon kay Moises at kay Aaron, na sinasabi, 9 Pagsasalita ni Faraon sa inyo, na sasabihin, Magpakita kayo ng isang kababalaghan sa ganang inyo; ay iyo ngang sasabihin kay Aaron: Kunin mo ang iyong tungkod, at ihagis mo sa harap ni Faraon, na magiging isang ahas. 10 At si Moises at si Aaron ay naparoon kay Faraon, at kanilang ginawang gayon gaya ng iniutos ng Panginoon, at inihagis ni Aaron ang kaniyang tungkod sa harap ni Faraon at sa harap ng kaniyang mga lingkod at naging ahas. 11 Nang magkagayo'y tinawag naman ni Faraon ang mga marunong at ang mga manghuhula, at sila naman na mga mahiko sa Egipto, ay gumawa sa gayon ding paraan ng kanilang mga pag-enkanto. 12 Sapagka't inihagis ng bawa't isa ang kanikaniyang tungkod, at nangaging ahas: nguni't nilamon ng tungkod ni Aaron ang mga tungkod nila. 13 At ang puso ni Faraon ay nagmatigas, at hindi niya dininig sila; gaya ng sinalita ng Panginoon. 14 At sinabi ng Panginoon kay Moises, Ang puso ni Farao'y nagmatigas, ayaw niyang paalisin ang bayan. 15 Pumaroon ka kay Faraon kinaumagahan; narito, siya'y pasasa tubig; at ikaw ay tatayo sa tabi ng ilog upang matagpuan mo siya; at ang tungkod na naging ahas ay iyong tatangnan sa iyong kamay. 16 At iyong sasabihin sa kaniya, Sinugo ako sa iyo ng Panginoon, ng Dios ng mga Hebreo, na sinasabi, Pahintulutan mong ang aking bayan ay yumaon, upang sila'y makapaglingkod sa akin sa ilang at, narito, hanggang ngayo'y hindi mo dininig. 17 Ganito ang sabi ng Panginoon, Dito mo makikilala, na ako ang Panginoon: narito, aking papaluin ng tungkod, na nasa aking kamay, ang tubig, na nasa ilog at magiging dugo. 18 At ang mga isda, na nasa ilog ay mamamatay, at ang ilog ay babaho; at ang mga Egipcio ay masusuklam na uminom ng tubig sa ilog. 19 At sinabi ng Panginoon kay Moises, Sabihin mo kay Aaron, Kunin mo ang iyong tungkod, at iunat mo ang iyong kamay sa tubig sa Egipto, sa kanilang mga ilog, sa kanilang mga bangbang, at sa kanilang mga lawa at sa lahat nilang tipunan ng tubig, upang mga maging dugo; at magkakadugo sa buong lupain ng Egipto, maging sa mga sisidlang kahoy at maging sa mga sisidlang bato. 20 At ginawang gayon ni Moises at ni Aaron, gaya ng iniutos ng Panginoon; at kaniyang itinaas ang tungkod, at pinalo ang tubig, na nasa ilog, sa paningin ni Faraon, at sa paningin ng kaniyang mga lingkod; at ang lahat ng tubig, na nasa ilog ay naging dugo. 21 At ang isda, na nasa tubig ay namatay; at ang ilog ay bumaho at ang mga Egipcio ay hindi makainom ng tubig sa ilog; at nagkadugo sa buong lupain ng Egipto. 22 At ang mga mahiko sa Egipto ay gumawa ng gayon din, sa pamamagitan ng kanilang mga enkanto; at ang puso ni Faraon ay nagmatigas, at hindi niya dininig sila; gaya ng sinalita ng Panginoon. 23 At si Faraon ay pumihit at umuwi sa kaniyang bahay, na hindi man lamang nabagbag ang kaniyang puso. 24 At lahat ng mga Egipcio ay humukay sa palibot ng ilog, upang makasumpong ng tubig na mainom; sapagka't sila'y hindi makainom ng tubig sa ilog. 25 At naganap ang pitong araw, pagkatapos na masalot ng Panginoon ang ilog.
1 Da sa Herren til Moses: Se, jeg har satt dig til en Gud for Farao, og Aron, din bror, skal være din profet.2 Du skal tale alt det jeg byder dig; men Aron, din bror, skal tale til Farao, og han skal la Israels barn fare ut av sitt land.3 Men jeg vil forherde Faraos hjerte, og jeg vil gjøre mange tegn og under i Egyptens land.4 Farao skal ikke høre på eder; men jeg vil legge min hånd på Egypten og føre mine hærer, mitt folk, Israels barn, ut av Egyptens land ved store straffedommer.5 Og egypterne skal kjenne at jeg er Herren, når jeg rekker ut min hånd over Egypten og fører Israels barn ut fra dem.6 Og Moses og Aron gjorde dette; som Herren hadde pålagt dem, således gjorde de.7 Moses var åtti år gammel, og Aron tre og åtti år, da de talte til Farao.8 Og Herren sa til Moses og Aron:9 Når Farao taler til eder og sier: La mig få se et under av eder, da skal du si til Aron: Ta din stav og kast den ned foran Farao! Og den skal bli til en slange.10 Så gikk Moses og Aron inn til Farao og gjorde som Herren hadde sagt; Aron kastet sin stav ned foran Farao og hans tjenere, og den blev til en slange.11 Da lot Farao sine vismenn og trollmenn kalle, og de, Egyptens tegnsutleggere, gjorde det samme med sine hemmelige kunster;12 de kastet hver sin stav, og de blev til slanger; men Arons stav slukte deres staver.13 Men Faraos hjerte blev forherdet, og han hørte ikke på dem, således som Herren hadde sagt.14 Da sa Herren til Moses: Faraos hjerte er hårdt; han vil ikke la folket fare.15 Gå til Farao imorgen tidlig når han går ned til elven, og still dig i hans vei på elvebredden, og staven som blev skapt om til en slange, skal du ta i hånden.16 Og du skal si til ham: Herren, hebreernes Gud, har sendt mig til dig og sier: La mitt folk fare, så de kan tjene mig i ørkenen! Men du har like til nu ikke villet lyde.17 Sa sier Herren: På dette skal du kjenne at jeg er Herren: Se, nu slår jeg med denne stav som jeg har i min hånd, på vannet i elven, og det skal bli til blod,18 og fiskene i elven skal dø, og elven skal lukte ille, så egypterne skal vemmes ved å drikke vannet.19 Og Herren sa til Moses: Si til Aron: Ta din stav og rekk ut din hånd over egypternes vann, over deres elver, over deres kanaler og over deres sjøer og over alle deres dammer, og de skal bli til blod, og det skal være blod i hele Egyptens land, både i trekar og i stenkar.20 Og Moses og Aron gjorde som Herren hadde sagt; han løftet staven og slo på vannet i elven så de så på det, både Farao og hans tjenere; da blev alt vannet i elven til blod,21 og fiskene i elven døde, og elven luktet ille, så egypterne ikke kunde drikke vannet, og det var blod i hele Egyptens land.22 Men Egyptens tegnsutleggere gjorde det samme med sine hemmelige kunster, og Faraos hjerte blev forherdet, og han hørte ikke på dem, således som Herren hadde sagt.23 Og Farao vendte sig om og gikk hjem til sitt hus og la heller ikke dette på hjerte.24 Men alle egypterne gravde rundt omkring elven efter drikkevann; for de kunde ikke drikke elvevannet.25 Så gikk det syv dager efterat Herren hadde slått elven.