1 At sinalita ng Dios ang lahat ng salitang ito, na sinasabi, 2 Ako ang Panginoon mong Dios, na naglabas sa iyo sa lupain ng Egipto, sa bahay ng pagkaalipin. 3 Huwag kang magkakaroon ng ibang mga dios sa harap ko. 4 Huwag kang gagawa para sa iyo ng larawang inanyuan o ng kawangis man ng anomang anyong nasa itaas sa langit, o ng nasa ibaba sa lupa, o ng nasa tubig sa ilalim ng lupa: 5 Huwag mong yuyukuran sila, o paglingkuran man sila; sapagka't akong Panginoon mong Dios, ay Dios na mapanibughuin, na aking dinadalaw ang katampalasanan ng mga magulang sa mga anak, hanggang sa ikatlo at ikaapat na salin ng lahi ng mga napopoot sa akin; 6 At pinagpapakitaan ko ng kaawaan ang libolibong umiibig sa akin at tumutupad ng aking mga utos. 7 Huwag mong babanggitin ang pangalan ng Panginoon mong Dios sa walang kabuluhan; sapagka't hindi aariin ng Panginoong walang sala ang bumanggit ng kaniyang pangalan sa walang kabuluhan. 8 Alalahanin mo ang araw ng sabbath upang ipangilin. 9 Anim na araw na gagawa ka at iyong gagawin ang lahat ng iyong gawain. 10 Nguni't ang ikapitong araw ay sabbath sa Panginoon mong Dios: sa araw na iyan ay huwag kang gagawa ng anomang gawa, ikaw, ni ang iyong anak na lalake ni babae, ni ang iyong aliping lalake ni babae, ni ang iyong baka, ni ang iyong tagaibang lupa na nasa loob ng iyong mga pintuang daan: 11 Sapagka't sa anim na araw ay ginawa ng Panginoon ang langit at lupa, ang dagat, at lahat ng nangaroon, at nagpahinga sa ikapitong araw; na ano pa't pinagpala ng Panginoon ang araw ng sabbath, at pinakabanal. 12 Igalang mo ang iyong ama at ang iyong ina: upang ang iyong mga araw ay tumagal sa ibabaw ng lupa na ibinibigay sa iyo ng Panginoon mong Dios. 13 Huwag kang papatay. 14 Huwag kang mangangalunya. 15 Huwag kang magnanakaw. 16 Huwag kang magbibintang sa iyong kapuwa. 17 Huwag mong iimbutin ang bahay ng iyong kapuwa, huwag mong iimbutin ang asawa ng iyong kapuwa, ni ang kaniyang aliping lalake o babae, ni ang kaniyang baka, ni ang kaniyang asno, ni anomang bagay ng iyong kapuwa. 18 At nakikita ng buong bayan ang mga kulog, at ang mga kidlat, at ang tunog ng pakakak at ang bundok na umuusok: at nang makita ng bayan, ay nanginig sila, at tumayo sa malayo. 19 At sinabi nila kay Moises, Magsalita ka sa amin, at aming didinggin: datapuwa't huwag magsalita ang Dios sa amin, baka kami ay mamatay. 20 At sinabi ni Moises sa bayan, Huwag kayong matakot: sapagka't ang Dios ay naparito upang subukin kayo, at upang ang takot sa kaniya ay sumainyo, upang huwag kayong magkasala. 21 At ang bayan ay tumayo sa malayo, at si Moises ay lumapit sa salimuot na kadiliman na kinaroroonan ng Dios. 22 At sinabi ng Panginoon kay Moises, Ganito mo sasabihin sa mga anak ni Israel: Kayo ang nakakita na ako'y nakipagusap sa inyo mula sa langit. 23 Huwag kayong gagawa ng ibang mga dios na iaagapay sa akin; ng mga dios na pilak, o ng mga dios na ginto, huwag kayong gagawa para sa inyo. 24 Isang dambanang lupa ang inyong gagawin sa akin, at inyong ihahain doon ang inyong mga handog na susunugin, at ang inyong mga handog tungkol sa kapayapaan, ang inyong mga tupa, at ang inyong mga baka sa lahat ng dakong aking ipaaalaala ang aking pangalan, ay paparoonan kita at pagpapalain kita. 25 At kung igagawa mo ako ng isang dambanang bato, ay huwag mong itatayong may tapyas: sapagka't kung iyong gamitin ang iyong patalim doon, ay iyong nilapastangan yaon. 26 Ni huwag kang sasampa sa aking dambana sa pamamagitan ng mga baytang, upang ang inyong kahubaran ay huwag malitaw sa ibabaw niyaon.
1 Da talte Gud alle disse ord og sa:2 Jeg er Herren din Gud, som førte dig ut av Egyptens land, av trælehuset.3 Du skal ikke ha andre guder foruten mig.4 Du skal ikke gjøre dig noget utskåret billede eller nogen avbildning av det som er oppe i himmelen, eller av det som er nede på jorden, eller av det som er i vannet nedenfor jorden.5 Du skal ikke tilbede dem og ikke tjene dem; for jeg, Herren din Gud, er en nidkjær Gud, som hjemsøker fedres misgjerninger på barn inntil tredje og fjerde ledd, på dem som hater mig,6 og som gjør miskunnhet mot tusen ledd, mot dem som elsker mig og holder mine bud.7 Du skal ikke misbruke Herrens, din Guds navn; for Herren vil ikke holde den uskyldig som misbruker hans navn.8 Kom hviledagen i hu, så du holder den hellig!9 Seks dager skal du arbeide og gjøre all din gjerning.10 Men den syvende dag er sabbat for Herren din Gud; da skal du intet arbeid gjøre, hverken du eller din sønn eller din datter, din tjener eller din tjenestepike eller ditt fe eller den fremmede som er hos dig innen dine porter.11 For i seks dager gjorde Herren himmelen og jorden, havet og alt det som i dem er, og han hvilte på den syvende dag; derfor velsignet Herren sabbatsdagen og helliget den.12 Hedre din far og din mor, så dine dager må bli mange i det land Herren din Gud gir dig.13 Du skal ikke slå ihjel.14 Du skal ikke drive hor.15 Du skal ikke stjele.16 Du skal ikke si falskt vidnesbyrd mot din næste.17 Du skal ikke begjære din næstes hus. Du skal ikke begjære din næstes hustru eller hans tjener eller hans tjenestepike eller hans okse eller hans asen eller noget som hører din næste til.18 Og alt folket så og hørte tordenen og luene og basunlyden og fjellet i røk; og da folket så og hørte dette, skalv de og holdt sig langt borte.19 Og de sa til Moses: Tal du med oss, så vil vi høre; men la ikke Gud tale med oss, forat vi ikke skal dø!20 Men Moses sa til folket: Frykt ikke! Gud er kommet for å prøve eder, og forat frykt for ham skal være over eder, så I ikke synder.21 Så blev folket stående langt borte, og Moses gikk nær til mørket hvor Gud var.22 Og Herren sa til Moses: Så skal du si til Israels barn: I har sett hvorledes jeg talte til eder fra himmelen.23 I skal ikke gjøre eder nogen gud ved siden av mig; guder av sølv eller guder av gull skal I ikke gjøre eder.24 Et alter av jord skal du gjøre mig, og på det skal du ofre dine brennoffer og dine takkoffer, ditt småfe og ditt storfe; på ethvert sted hvor jeg lar mitt navn ihukomme, vil jeg komme til dig og velsigne dig.25 Men dersom du vil gjøre mig et alter av sten, da skal du ikke bygge det av huggen sten; for bruker du ditt huggjern på stenene, da vanhelliger du dem.26 Og du skal ikke gå op til mitt alter på trapper, forat ikke din blusel skal blottes over det.