1 At nang makita ng bayan na nagluluwat si Moises ng pagpanaog sa bundok, ay nagpipisan ang bayan kay Aaron, at nagsabi sa kaniya, Tumindig ka at igawa mo kami ng mga dios na mangunguna sa amin; sapagka't tungkol sa Moises na ito, na lalaking nagsampa sa amin mula sa lupain ng Egipto, ay hindi namin maalaman kung anong nangyari sa kaniya. 2 At sinabi ni Aaron sa kanila, Alisin ninyo ang mga hikaw na ginto, na nasa tainga ng inyo-inyong asawa, ng inyong mga anak na lalake, at babae, at dalhin ninyo sa akin. 3 At inalis ng buong bayan ang mga hikaw na ginto na nangasa kanilang mga tainga, at dinala kay Aaron. 4 At kaniyang tinanggap sa kanilang kamay, at niyari sa pamamagitan ng isang buril, at ginawang isang guyang binubo, at kanilang sinabi, Ang mga ito ang maging iyong mga dios, Oh Israel, na nagsampa sa iyo mula sa lupain ng Egipto. 5 At nang makita ito ni Aaron, ay nagtayo siya ng isang dambana sa harapan niyaon: at itinanyag ni Aaron at sinabi, Bukas ay pista sa Panginoon. 6 At sila'y bumangong maaga nang kinabukasan, at naghandog ng mga handog na susunugin, at nagdala ng mga handog tungkol sa kapayapaan; at ang bayan ay umupong kumain at uminom, at tumindig upang magkatuwa. 7 At sinalita ng Panginoon kay Moises, Yumaon ka, bumaba ka, sapagka't ang iyong bayan, na iyong isinampa mula sa lupain ng Egipto ay nangagsisama: 8 Sila'y humiwalay na madali sa daan na aking iniutos sa kanila: sila'y gumawa ng isang guyang binubo, at kanilang sinamba, at kanilang hinainan, at kanilang sinabi, Ang mga ito'y iyong maging mga dios, Oh Israel, na nagsampa sa iyo mula sa lupain ng Egipto. 9 At sinabi ng Panginoon kay Moises, Aking nakita ang bayang ito, at, narito, isang bayang may matigas na ulo; 10 Ngayo'y bayaan mo nga ako upang ang aking pagiinit ay magalab laban sa kanila, at upang aking lipulin sila: at ikaw ay aking gagawing dakilang bansa. 11 At dumalangin si Moises sa Panginoon niyang Dios, at sinabi, Panginoon, bakit ang iyong pagiinit ay pinapagaalab mo laban sa iyong bayan, na iyong inilabas sa lupain ng Egipto sa pamamagitan ng dakilang kapangyarihan at ng makapangyarihang kamay? 12 Bakit sasalitain ng mga Egipcio, na sasabihin, Dahil sa kasamaan, inilabas sila upang patayin sila sa mga bundok, at upang lipulin sila sa balat ng lupa? Iurong mo ang iyong mabangis na pagiinit, at pagsisihan mo ang kasamaang ito laban sa iyong bayan. 13 Alalahanin mo si Abraham, si Isaac, at si Israel na iyong mga lingkod, na silang iyong mga sinumpaan sa iyong sarili, at mga pinagsabihan, Aking pararamihin ang inyong binhi na gaya ng mga bituin sa langit, at lahat ng lupaing ito na aking sinalita ay aking ibibigay sa inyong binhi, at kanilang mamanahin magpakailan man. 14 At pinagsisihan ng Panginoon ang kasamaan na kaniyang sinabing kaniyang gagawin sa kaniyang bayan. 15 At si Moises ay pumihit, at bumaba sa bundok, na dala ang dalawang tapyas ng patotoo sa kaniyang kamay; mga tapyas na may sulat sa dalawang mukha niyaon; sa isang mukha at sa kabilang mukha ay may sulat. 16 At ang mga tapyas ay gawa ng Dios, at ang sulat ay sulat ng Dios, na nakaukit sa mga tapyas. 17 At ng marinig ni Josue ang ingay ng bayan na humihiyaw, ay sinabi kay Moises, May ingay ng pagbabaka sa kampamento. 18 At kaniyang sinabi, Hindi ingay ng pagtatagumpay, o ingay man ng pagkatalo, kundi ingay ng mga umaawit ang aking naririnig. 19 At nangyari paglapit niya sa kampamento, na kaniyang nakita ang guya at ang sayawan; at ang galit ni Moises ay naginit at kaniyang inihagis ang mga tapyas na nasa kaniyang mga kamay at nangasira sa paanan ng bundok. 20 At kaniyang kinuha ang guya na kanilang ginawa, at sinunog ng apoy, at giniling hanggang sa naging alabok, at isinaboy sa ibabaw ng tubig, at ipinainom sa mga anak ni Israel. 21 At sinabi ni Moises kay Aaron, Anong ginawa ng bayang ito sa iyo, na dinalhan mo sila ng isang malaking sala? 22 At sinabi ni Aaron, Huwag maginit ang galit ng aking panginoon: iyong kilala ang bayan, na sila'y mahilig sa kasamaan. 23 Sapagka't kanilang sinabi sa akin, Igawa mo kami ng mga dios na mangunguna sa amin: sapagka't tungkol sa Moises na ito, na lalaking nagsampa sa amin mula sa lupain ng Egipto ay hindi namin maalaman kung anong nangyari sa kaniya. 24 At aking sinabi sa kanila, Sinomang may ginto, ay magalis; na anopa't kanilang ibinigay sa akin: at aking inihagis sa apoy at lumabas ang guyang ito. 25 At nang makita ni Moises na ang bayan ay nakakawala; sapagka't pinabayaan ni Aarong makawala ng maging isang kabiruan sa gitna ng kanilang mga kaaway: 26 Ay tumayo nga si Moises sa pintuang-daan ng kampamento, at nagsabi, Sinomang sa Panginoon ang kiling ay lumapit sa akin. At lahat ng mga anak ni Levi ay nagpipisan sa kaniya. 27 At sinabi niya sa kanila, Ganito ang sabi ng Panginoon, ng Dios ng Israel: Ipatong ng bawa't lalake ang kaniyang tabak sa kaniyang hita, at yumaon kayong paroo't parito sa mga pintuang-daan, sa buong kampamento, at patayin ng bawa't lalake ang kaniyang kapatid na lalake, at ng bawa't lalake ang kaniyang kasama, at ng bawa't lalake ang kaniyang kapuwa. 28 At ginawa ng mga anak ni Levi ang ayon sa salita ni Moises: at nabuwal sa bayan ng araw na yaon, ang may tatlong libong katao. 29 At sinabi ni Moises, Italaga ninyo ang inyong sarili ngayon sa Panginoon, oo, bawa't lalake laban sa kaniyang anak na lalake, at laban sa kaniyang kapatid na lalake, upang kaniyang ipagkaloob sa inyo ang pagpapala sa araw na ito. 30 At nangyari ng kinabukasan, na sinabi ni Moises sa bayan, Kayo'y nagkasala ng malaking kasalanan: at ngayo'y sasampahin ko ang Panginoon; marahil ay aking matutubos ang inyong kasalanan. 31 At bumalik si Moises sa Panginoon, at nagsabi, Oh, ang bayang ito'y nagkasala ng malaking kasalanan, at gumawa sila ng mga dios na ginto. 32 Gayon ma'y ngayon, kung iyong ipatatawad ang kanilang kasalanan; at kung hindi, ay alisin mo ako, isinasamo ko sa iyo, sa iyong aklat na sinulat mo. 33 At sinabi ng Panginoon kay Moises, Ang magkasala laban sa akin ay siya kong aalisin sa aking aklat. 34 At ngayo'y yumaon ka, iyong patnubayan ang bayan sa dakong aking sinalita sa iyo: narito, ang aking anghel ay magpapauna sa iyo: gayon ma'y sa araw na aking dalawin sila ay aking dadalawin ang kanilang kasalanang ipinagkasala nila. 35 At sinaktan nga ng Panginoon ang bayan, sapagka't kanilang ginawa ang guya na ginawa ni Aaron.
1 Men da folket så at Moses drygde med å komme ned fra fjellet, samlet folket sig om Aron og sa til ham: Kom, gjør oss en gud som kan dra foran oss! For denne Moses, han som førte oss op fra Egyptens land - vi vet ikke hvad det er blitt av ham.2 Da sa Aron til dem: Ta gullringene som eders hustruer, eders sønner og eders døtre har i sine ører, og kom til mig med dem!3 Da tok alt folket gullringene ut av sine ører og kom til Aron med dem;4 og han tok imot gullet og støpte det om og laget det med meiselen til en kalv. Da sa de: Dette er din Gud, Israel, som førte dig op fra Egyptens land.5 Da Aron så dette, bygget han et alter for den og lot utrope: Imorgen er det høitid for Herren!6 Dagen efter stod de tidlig op og ofret brennoffer og bar frem takkoffer; og folket satte sig ned for å ete og drikke og stod op for å leke.7 Da sa Herren til Moses: Skynd dig og stig ned! Ditt folk, som du har ført op fra Egyptens land, har fordervet sin vei.8 De er hastig veket av fra den vei jeg bød dem å vandre; de har gjort sig en støpt kalv; den har de tilbedt og ofret til og sagt: Dette er din Gud, Israel, som førte dig op fra Egyptens land.9 Og Herren sa til Moses: Jeg har lagt merke til dette folk og sett at det er et hårdnakket folk.10 La nu mig få råde, så min vrede kan optendes mot dem, og jeg kan ødelegge dem; så vil jeg gjøre dig til et stort folk.11 Men Moses bønnfalt Herren sin Gud og sa: Herre! Hvorfor skal din vrede optendes mot ditt folk, som du har ført ut av Egyptens land med stor kraft og med veldig hånd?12 Hvorfor skal egypterne si: Til ulykke har han ført dem ut; han vilde slå dem ihjel i fjellene og utrydde dem av jorden? Vend om fra din brennende vrede og angre det onde du har tenkt å gjøre mot ditt folk!13 Kom i hu dine tjenere Abraham, Isak og Israel, til hvem du har sagt og svoret ved dig selv: Jeg vil gjøre eders ætt tallrik som stjernene på himmelen, og hele dette land som jeg har talt om, vil jeg gi eders ætt, og de skal eie det til evig tid.14 Så angret Herren det onde han hadde talt om å gjøre mot sitt folk.15 Og Moses vendte sig og gikk ned fra fjellet med vidnesbyrdets to tavler i sin hånd, og på begge sider av tavlene var der skrevet; både på forsiden og baksiden var der skrevet.16 Og tavlene var Guds arbeid, og skriften var Guds skrift, som var inngravd på tavlene.17 Da Josva hørte hvorledes folket støiet og skrek, sa han til Moses: Det lyder krigsrop i leiren.18 Men han svarte: Det lyder ikke som seiersrop og ikke som skrik over mannefall; det er lyd av sang jeg hører.19 Og da Moses kom nær til leiren, så han kalven og dansen; da optendtes hans vrede; han kastet tavlene fra sig og slo dem i stykker ved foten av fjellet.20 Og han tok kalven som de hadde gjort, og kastet den på ilden og knuste den til den blev til støv, og støvet strødde han ovenpå vannet og gav Israels barn det å drikke.21 Så sa Moses til Aron: Hvad har dette folk gjort dig, siden du har ført så stor en synd over det?22 Aron svarte: La ikke din vrede optendes, herre! Du vet selv at dette folk ligger i det onde;23 de sa til mig: Gjør oss en gud som kan dra foran oss! For denne Moses, han som førte oss op fra Egyptens land - vi vet ikke hvad det er blitt av ham.24 Da sa jeg til dem: Den som har gullsmykker på sig, ta dem av sig! Så gav de mig dem, og jeg kastet dem på ilden, og således blev denne kalv til.25 Da Moses så at folket var ustyrlig - for Aron hadde sloppet det løs til spott for deres motstandere -26 så stilte han sig i porten til leiren og sa: Hver den som hører Herren til, han komme hit til mig! Da samlet alle Levis barn sig om ham.27 Og han sa til dem: Så sier Herren, Israels Gud: Hver binde sitt sverd ved sin lend! Gå så frem og tilbake fra port til port i leiren og slå ihjel hver sin bror og hver sin venn og hver sin frende!28 Og Levis barn gjorde som Moses sa; og den dag falt det av folket omkring tre tusen mann.29 For Moses sa: Innvi eder idag til prester for Herren, om det så er med blodet av sønn eller bror; så skal han idag gi eder sin velsignelse.30 Dagen efter sa Moses til folket: I har gjort en stor synd. Nu vil jeg stige op til Herren; kanskje jeg kunde gjøre soning for eders synd.31 Så vendte Moses tilbake til Herren og sa: Akk, dette folk har gjort en stor synd; de har gjort sig en gud av gull.32 Å, om du vilde forlate dem deres synd! Men hvis ikke, da slett mig ut av din bok som du har skrevet!33 Da sa Herren til Moses: Hver den som har syndet mot mig, ham vil jeg slette ut av min bok.34 Så gå nu og før folket dit jeg har sagt dig! Se, min engel skal gå foran dig, men på min hjemsøkelses dag vil jeg hjemsøke dem for deres synd.35 Således slo Herren folket fordi de hadde gjort kalven - den som Aron hadde laget.