Publicidade

Êxodo 9

1 Nang magkagayon ay sinabi ng Panginoon kay Moises, Pasukin mo si Faraon, at saysayin mo sa kaniya. Ganito ang sabi ng Panginoon, ng Dios ng mga Hebreo: Payaunin mo ang aking bayan, upang ako'y mapaglingkuran nila. 2 Sapagka't kung tatanggihan mong payaunin sila, at sila'y pipigilin mo pa, 3 Ay narito, ang kamay ng Panginoon ay nakapatong sa iyong hayop na nasa parang, nakapatong sa mga kabayo, nakapatong sa mga asno, nakapatong sa mga kamello, nakapatong sa mga bakahan, at nakapatong sa mga kawan; na magkakaroon ng malaking pagkakasalot. 4 At gagawan ng katangian ng Panginoon ang hayop ng Israel at ang hayop ng Egipto: at walang mamamatay sa lahat ng ukol sa mga anak ni Israel. 5 At ang Panginoon ay nagtakda ng panahon, na sinasabi, Bukas ay gagawin ng Panginoon ang bagay na ito sa lupain. 6 At ginawa ng Panginoon ang bagay na yaon ng kinabukasan, at ang lahat ng hayop sa Egipto ay namatay: nguni't sa hayop ng mga anak ni Israel ay walang namatay kahit isa. 7 At si Faraon ay nagsugo, at narito, walang namatay kahit isa sa kawan ng mga Israelita. Nguni't ang puso ni Faraon ay nagmatigas, at hindi niya pinayaon ang bayan. 8 At sinabi ng Panginoon kay Moises at kay Aaron, Dumakot kayo ng isang dakot na abo sa hurno, at isaboy ni Moises sa himpapawid sa paningin ni Faraon. 9 At magiging durog na alabok sa buong lupain ng Egipto, at magiging bukol na naknakin sa tao, at sa hayop, sa buong lupain ng Egipto. 10 At sila'y kumuha ng abo sa hurno, at tumayo sa harap ni Faraon, at isinaboy ni Moises sa himpapawid; at naging bukol na naknakin sa tao at sa hayop. 11 At ang mga mahiko ay hindi makatayo sa harap ni Moises dahil sa mga bukol; sapagka't nagkabukol ang mga mahiko at ang mga Egipcio. 12 At pinapagmatigas ng Panginoon ang puso ni Faraon, at hindi niya dininig sila gaya ng sinalita ng Panginoon kay Moises. 13 At sinabi ng Panginoon kay Moises, Bumangon kang maaga sa kinaumagahan, at tumayo ka sa harap ni Faraon, at sabihin mo sa kaniya: Ganito ang sabi ng Panginoon, ng Dios ng mga Hebreo: Payaunin mo ang aking bayan, upang ako'y mapaglingkuran nila. 14 Sapagka't ngayo'y ibubugso ko na ang lahat ng aking salot sa iyong puso, at sa iyong mga lingkod, at sa iyong bayan upang iyong maalaman na walang gaya ko sa buong lupa. 15 Sapagka't ngayo'y iniunat ko na ang aking kamay, upang salutin kita, at ang iyong bayan, at nawala ka na sa lupa: 16 Datapuwa't totoong totoo, na dahil dito ay pinatayo kita, upang maipakilala sa iyo ang aking kapangyarihan, at upang ang aking pangalan ay mahayag sa buong lupa. 17 Nagmamalaki ka pa ba laban sa aking bayan, na ayaw mo silang payaunin? 18 Narito, bukas, sa ganitong oras, ay magpapaulan ako ng malakas na granizo, na kailan ma'y hindi nagkaroon sa Egipto mula nang araw na itayo hanggang ngayon. 19 Ngayon nga'y magsugo ka, ipasilong mo ang iyong mga hayop at lahat ng iyong tinatangkilik sa parang; sapagka't bawa't tao at hayop na maabutan sa parang, at hindi masisilong, ay lalakpakan ng granizo at mamamatay. 20 Yaong natakot sa salita ng Panginoon, sa mga lingkod ni Faraon ay nagpauwing madali ng kaniyang mga bataan at ng kaniyang hayop sa mga bahay: 21 At yaong nagwalang bahala sa salita ng Panginoon ay nagpabaya ng kaniyang mga bataan at ng kaniyang kawan sa parang. 22 At sinabi ng Panginoon kay Moises, Iunat mo ang iyong kamay sa dakong langit, upang magkaroon ng granizo sa buong lupain ng Egipto, na lumagpak sa tao, at sa hayop, at sa bawa't halaman sa parang sa buong lupain ng Egipto. 23 At iniunat ni Moises ang kaniyang tungkod sa dakong langit; at ang Panginoo'y nagsugo ng kulog at granizo, at may apoy na lumagpak sa lupa; at ang Panginoo'y nagpaulan ng granizo sa lupain ng Egipto. 24 Sa gayo'y nagkaroon ng granizo at apoy, na nagniningning sa granizo, at napakalakas, na kailan ma'y hindi nagkaroon sa buong lupain ng Egipto mula nang maging bansa. 25 At sinalot ng granizo ang buong lupain ng Egipto, ang lahat na nasa parang, maging tao at maging hayop, at sinalot ng granizo ang lahat ng halaman sa parang, at binali ang lahat ng punong kahoy sa parang. 26 Sa lupain lamang ng Gosen, na kinaroroonan ng mga anak ni Israel, hindi nagkaroon ng granizo. 27 At si Faraon ay nagsugo, at ipinatawag si Moises at si Aaron, at sinabi sa kanila, Ako'y nagkasala ngayon: ang Panginoo'y matuwid; at ako at ang aking bayan ay masama. 28 Dalanginan ninyo ang Panginoon; sapagka't nagkaroon na ng sukat na malalakas na kulog at granizo; at kayo'y aking payayaunin, at di ko na kayo bibinbinin. 29 At sinabi ni Moises sa kaniya, Pagkalabas ko sa bayan, ay aking ilalahad ang aking mga kamay sa Panginoon; at ang mga kulog ay titigil, at hindi na magkakaroon pa ng anomang granizo; upang iyong maalaman na ang lupa'y sa Panginoon. 30 Nguni't tungkol sa iyo at sa iyong mga lingkod, ay nalalaman ko, na di pa kayo matatakot sa Panginoong Dios. 31 At ang lino at ang cebada ay nasaktan; sapagka't ang cebada ay naguuhay na at ang lino ay namumulaklak na. 32 Datapuwa't ang trigo at ang espelta ay hindi nasaktan: sapagka't hindi pa tumutubo. 33 At si Moises ay lumabas sa bayan na galing kay Faraon, at inilahad ang kaniyang mga kamay sa Panginoon: at ang mga kulog at ang granizo ay tumigil, at ang ulan ay di na lumagpak sa lupa. 34 At nang makita ni Faraon, na ang ulan, at ang granizo, at ang mga kulog ay tumigil, ay lalong nagkasala pa, at nagmatigas ang kaniyang puso, siya at ang kaniyang mga lingkod. 35 At ang puso ni Farao'y nagmatigas, at hindi niya pinayaon ang mga anak ni Israel; gaya ng sinalita ng Panginoon sa pamamagitan ni Moises.

1 Og Herren sa til Moses: Gå inn til Farao og si til ham: Så sier Herren, hebreernes Gud: La mitt folk fare, så de kan tjene mig!2 For dersom du nekter å la dem fare og fremdeles holder på dem,3 da skal Herrens hånd komme over ditt fe på marken, over hestene, over asenene, over kamelene, over storfeet og over småfeet med en forferdelig pest.4 Men Herren skal gjøre forskjell på Israels fe og egypternes fe, og det skal ikke dø noget av alt det som hører Israels barn til.5 Og Herren fastsatte tiden og sa: Imorgen vil Herren la dette skje i landet.6 Dagen efter gjorde Herren som han hadde sagt, og alt egypternes fe døde, men av Israels barns fe døde ikke ett liv.7 Og Farao sendte bud, og da var det ikke død et eneste liv av Israels fe; men Faraos hjerte blev hårdt, og han lot ikke folket fare.8 Da sa Herren til Moses og Aron: Ta hendene fulle av aske fra ovnen, og Moses skal kaste den op i været så Farao ser på det,9 og den skal bli til støv utover hele Egyptens land, og den skal bli til bylder som bryter ut med blemmer, både på folk og fe i hele Egyptens land.10 Så tok de asken fra ovnen og trådte frem for Farao, og Moses kastet den op i været; og det blev bylder som brøt ut med blemmer, både på folk og fe.11 Og tegnsutleggerne kunde ikke holde stand mot Moses for byldenes skyld; for det var kommet bylder på tegnsutleggerne og på alle egypterne.12 Men Herren forherdet Faraos hjerte, så han ikke hørte på dem, således som Herren hadde sagt til Moses13 Da sa Herren til Moses: Stå tidlig op imorgen, og tred frem for Farao og si til ham: Så sier Herren, hebreernes Gud: La mitt folk fare, så de kan tjene mig!14 For denne gang vil jeg sende alle mine plager over dig selv og over dine tjenere og ditt folk, forat du skal kjenne at ingen er som jeg på hele jorden.15 For nu hadde jeg allerede rakt ut min hånd og vilde slått dig og ditt folk med pesten, så du var blitt utslettet av jorden;16 men derfor lot jeg dig bli i live at jeg kunde vise dig min makt, og mitt navn kunde bli kunngjort over hele jorden.17 Ennu stiller du dig i veien for mitt folk og vil ikke la dem fare.18 Se, jeg vil på denne tid imorgen sende et forferdelig haglvær, som det aldri har vært make til i Egypten, like fra den dag det blev til, og til nu.19 Så send da folk og berg din buskap og alt det du har på marken! Alt folk og alt fe som er ute på marken og ikke har kommet sig i hus, på dem skal haglet falle, og de skal dø.20 De av Faraos tjenere som fryktet Herrens ord, berget da sine folk og sin buskap i hus;21 men de som ikke gav akt på Herrens ord, lot sine folk og sin buskap bli ute på marken.22 Da sa Herren til Moses: Rekk din hånd op mot himmelen, og det skal komme hagl i hele Egyptens land, både over folk og fe og over alle markens urter i Egyptens land.23 Og Moses rakte sin stav op mot himmelen, og Herren lot komme torden og hagl, og det fôr ild ned på jorden, og Herren lot falle hagl over Egyptens land.24 Det kom hagl, og midt i haglskuren lyn i lyn, et uvær så svært at det aldri hadde vært maken i hele Egyptens land fra den tid folk hadde bosatt sig der.25 Og i hele Egyptens land slo haglet ned alt det som var på marken, både folk og fe; og alle markens urter slo haglet ned, og alle markens trær brøt det sønder.26 Bare i Gosens land, hvor Israels barn bodde, falt det ikke hagl.27 Da sendte Farao bud efter Moses og Aron og sa til dem: Denne gang har jeg syndet; Herren er den som har rett, og jeg og mitt folk har urett.28 Bed til Herren at det nu må være nok av hans torden og hagl! Så vil jeg la eder fare, og I skal ikke bie lenger.29 Moses svarte ham: Så snart jeg kommer ut av byen, vil jeg utbrede mine hender til Herren; så skal tordenen holde op og haglet ikke falle mere, forat du skal kjenne at jorden hører Herren til.30 Men om dig og dine tjenere vet jeg at I ennu ikke frykter for Gud Herren.31 Lin og bygg var slått ned; for bygget stod i aks og linet i knopp;32 men hvete og spelt var ikke slått ned, for de kommer senere.33 Og Moses gikk bort fra Farao og ut av byen og utbredte sine hender til Herren; da holdt tordenen og haglet op, og regnet strømmet ikke mere ned på jorden.34 Men da Farao så at regnet og haglet og tordenen hadde holdt op, blev han ved å synde, og han forherdet sitt hjerte, både han og hans tjenere.35 Faraos hjerte var og blev forherdet, og han lot ikke Israels barn fare, således som Herren hadde sagt ved Moses.

Veja também

Publicidade
Bíblia Online Bíblia Online

Bíblia Online • Versão: 2026-04-20_11-41-06-