O Deus do impossível
Deus é o Deus do impossível. Para Ele não há nada difícil demais. O que parece impossível aos olhos humanos é perfeitamente possível para o Criador do universo.
Nada é impossível
Para Deus nada é impossível. Ele faz infinitamente mais do que podemos pedir ou imaginar — esse é o nosso Deus.
Tiningnan sila ni Hesus at sinabi, "Imposible ito sa tao; ngunit sa Diyos, ang lahat ay posible."
Tiningnan sila ni Hesus at sinabi, "Imposible ito sa tao ngunit hindi sa Diyos, sapagkat ang lahat ay posible sa Diyos."
Sumagot si Hesus, "Ang imposible sa tao ay posible sa Diyos."
Nagtanong si Maria sa anghel, "Paano po ito mangyayari gayong dalaga pa ako?"
Sumagot ang anghel, "Sasaiyo ang Banal na Espiritu at lililiman ka ng kapangyarihan ng Kataas-taasang Diyos. Kaya ang banal na sanggol na ipapanganak mo ay tatawaging Anak ng Diyos. Maging ang kamag-anak mong si Elisabet ay buntis din sa kabila ng kanyang katandaan. Alam ng lahat na baog siya, pero anim na buwan na siyang buntis ngayon. Sapagkat walang imposible sa Diyos."
Sumagot si Maria, "Akoʼy lingkod ng Panginoon. Mangyari nawa sa akin ang mga sinabi ninyo." At iniwan siya ng anghel.
Nagtanong agad ang Panginoon kay Abraham, "Bakit tumawa si Sara at sinasabi, ‘Magkakaanak pa ba ako ngayong matanda na ako?’ May bagay ba na hindi magagawa ng Panginoon? Tulad ng sinabi ko, babalik ako rito sa ganito ring panahon sa susunod na taon at magkakaroon ng anak na lalaki si Sara."
"Alam ko pong magagawa ninyo
ang lahat ng bagay,
at walang sinumang makapipigil sa inyong mga balak.
O Makapangyarihang Panginoon, nilikha nʼyo ang langit at lupa sa pamamagitan ng kapangyarihan ninyo. Walang anumang bagay na hindi nʼyo po magagawa.
Fé no impossível
Se tiverdes fé como um grão de mostarda... Os impossíveis de Deus são convites ao exercício da fé audaciosa.
Sumagot si Hesus, "Dahil mahina ang pananampalataya ninyo. Sinasabi ko sa inyo ang totoo, kung may pananampalataya kayo na kahit kasinlaki lang ng buto ng mustasa, masasabi ninyo sa bundok na ito, ‘Lumipat ka roon!’ at lilipat nga ito. Walang bagay na hindi ninyo magagawa. [
Sinagot siya ni Hesus, "Bakit mo sinabing kung may magagawa ako? Ang lahat ng bagay ay posible sa taong may pananampalataya sa Diyos!"
Kaya tandaan ninyo: Anuman ang hilingin ninyo sa Diyos sa panalangin, manampalataya kayong natanggap na ninyo ito, at matatanggap nga ninyo.
Sinabi pa ng Makapangyarihang Panginoon, "Maaaring imposible itong mangyari sa isip ng mga natitira kong mga mamamayan, pero hindi ito imposible sa akin," pahayag ng Panginoon ng mga Hukbo.
Makapangyarihan ang ating Panginoon.
Ang kanyang karunungan
ay walang hangganan.
Itong si Hesus, na sa simula paʼy ipinasya na ng Diyos na ibibigay sa inyo, ayon sa kanyang plano, ay inyong ipinapatay sa mga makasalanang taong nagpako sa kanya sa krus. Ngunit pinalaya siya ng Diyos sa pagdurusa at muling binuhay, dahil ang totoo, kahit ang gapos ng kamatayan ay hindi siya kayang pigilan.