Publicidade

Deus nos chamou

Por Bíblia Online

Deus nos chamou antes da fundação do mundo. Ele nos conhece pelo nome, nos predestinou para sermos conforme a imagem de Cristo e nos capacita para o chamado.

Chamados por Deus

Os que Deus predestinou, também os chamou. O Seu chamado é irrevogável — fundamentado no propósito eterno e na graça abundante.

Alam natin na sa lahat ng bagay, gumagawa ang Diyos para sa ikabubuti ng mga umiibig sa kanya, na kanyang tinawag ayon sa kanyang layunin. Sapagkat alam na ng Diyos noon pa man kung sino-sino ang kanyang magiging mga anak. At silaʼy itinalaga niyang matulad sa kanyang Anak na si Hesus upang siya ang maging panganay sa maraming magkakapatid. Kaya ang mga taong pinili niya noong una pa ay tinawag din niya, at ang mga tinawag niya ay itinuring niyang matuwid, at ang itinuring niyang matuwid ay niluwalhati rin niya.

Ipinapanalangin ko rin na maliwanagan ang inyong pusoʼt isipan upang maunawaan ninyo ang pag-asa na inilaan niya sa atin, ang napakahalaga at napakasaganang pagpapala na ipinangako niya sa mga hinirang. Ipinapanalangin ko rin na malaman ninyo ang napakadakilang kapangyarihan ng Diyos para sa ating mga sumasampalataya sa kanya. Ang lakas ng kapangyarihang ito

Kaya huwag kang mahihiyang magpatotoo tungkol sa ating Panginoon o tungkol sa akin na isang bilanggo dahil sa kanya. Sa halip, sa tulong ng Diyos ay makibahagi ka sa mga pagtitiis dahil sa Magandang Balita. Iniligtas at tinawag tayo ng Diyos upang mamuhay nang banal, hindi dahil sa ating mga gawa kundi ayon sa layunin at biyaya na ibinigay sa atin ni Kristo Hesus bago pa nagsimula ang mundo. Ngunit nahayag lang ito nang dumating si Kristo Hesus na ating Tagapagligtas. Winakasan niya ng kapangyarihan ang kamatayan at ipinahayag sa atin ang buhay na walang hanggan sa pamamagitan ng Magandang Balita.

Maikling panahon lang ang paghihirap ninyo. Pagkatapos nito, tutulungan kayo ng Diyos upang maging ganap ang buhay ninyo. At siya rin ang magpapatatag at magpapalakas sa inyo, dahil siya ang pinagmumulan ng lahat ng pagpapala. Pinili niya kayo upang makabahagi sa kanyang walang hanggang kaluwalhatian sa pamamagitan ng pakikipag-isa ninyo kay Kristo.

"Jeremias, bago kita nilikha sa tiyan ng iyong ina,

pinili na kita.

At bago ka isinilang, hinirang kita

at itinalaga upang maging propeta

sa mga bansa."

A resposta ao chamado

Ninguém pode vir a mim se o Pai não o atrair. Deus escolheu os fracos para confundir os fortes — e nos chamou para a luz.

Walang makakalapit sa akin maliban kung palalapitin sila ng Amang nagsugo sa akin. At ang mga lalapit sa akin ay bubuhayin kong muli sa huling araw.

Mga kapatid, isipin ninyo kung ano ang inyong kalagayan nang kayoʼy tawagin ng Diyos. Iilan lamang sa inyo ang masasabing matalino sa paningin ng mundo, at iilan lamang ang makapangyarihan o nagmula sa mga kilalang angkan. Ngunit pinili ng Diyos ang mga itinuturing ng mundo na mangmang para ipahiya ang mga marurunong. Pinili ng Diyos ang mga itinuturing ng mundo na mahihina para ipahiya ang malalakas.

Makinig kayo, mga minamahal kong kapatid: Hindi baʼt pinili ng Diyos ang mga mahihirap sa mundong ito upang maging mayaman sa pananampalataya, at maging tagapagmana ng kahariang ipinangako niya sa mga nagmamahal sa kanya?

Iniligtas niya tayo mula sa kapangyarihan ng kadiliman at inilipat tayo sa kaharian ng minamahal niyang Anak. At sa pamamagitan ng kanyang Anak, tinubos niya tayo, na ang ibig sabihin ay pinatawad na ang ating mga kasalanan.

Sumagot si Pedro sa kanila, "Magsisi kayo at tumalikod sa inyong mga kasalanan, at magpabautismo ang bawat isa sa inyo sa pangalan ni Hesu-Kristo, upang mapatawad ang inyong mga kasalanan. At matatanggap ninyo ang regalo ng Diyos na walang iba kundi ang Banal na Espiritu. Sapagkat ang pangakong ito ay para sa inyo, para sa inyong mga anak, at maging sa lahat ng taong nasa malayo – sa lahat ng tatawagin ng Panginoon nating Diyos."

Confirmando o chamado

Procurai tornar cada vez mais firme a vossa vocação. Deus começou a boa obra e a completará até o dia de Cristo.

Kaya nga, minamahal kong mga kapatid kay Kristo, pagsikapan ninyong mapatunayan na mga tinawag nga kayo at pinili ng Diyos. Sapagkat kung gagawin nʼyo ang mga bagay na ito, hindi kayo matitisod, kundi buong galak kayong tatanggapin sa walang katapusang kaharian ng ating Panginoon at Tagapagligtas na si Hesu-Kristo.

Nakatitiyak akong ipagpapatuloy ng Diyos ang mabuting gawain na sinimulan niya sa inyo hanggang sa araw ng pagbabalik ni Kristo Hesus.

"Marami ang tinatawag ng Diyos, ngunit kakaunti ang pinili."

Seja o primeiro
Bíblia Online Bíblia Online

Bíblia Online • Versão: 2026-07-05_12-11-46-