Vida
A vida é um dom precioso de Deus. Desde a concepção até a eternidade, as Escrituras revelam o propósito, o valor e a plenitude da vida que o Senhor nos oferece.
Deus, o autor da vida
O Senhor é quem dá a vida e a sustenta. Cada ser humano foi formado por suas mãos com propósito e intenção divina.
Nilikha ng Panginoong Diyos ang tao mula sa lupa. Hiningahan niya sa ilong ang tao ng hiningang nagbibigay-buhay. Kaya ang tao ay naging buháy na nilalang.
Kilala ninyo ako, dahil kayo
ang lumalang sa akin.
Kayo ang humubog sa akin
sa sinapupunan ng aking ina.
Pinupuri ko kayo
sa kahanga-hangang pagkalikha ninyo sa akin.
Alam na alam kong ang inyong mga gawa
ay tunay na kahanga-hanga.
Nakita ninyo ang aking mga buto
nang akoʼy lihim na hubugin
sa sinapupunan ng aking ina.
Nakita na ninyo ako,
hindi pa man ako isinisilang.
Ang itinakdang mga araw
na akoʼy mabubuhay
ay nakasulat na sa aklat ninyo
bago pa man ito mangyari.
Dahil kayo ang nagbibigay ng buhay.
Pinapaliwanagan nʼyo kami,
at naliliwanagan ang aming isipan.
Aawit ako sa Panginoon
habang akoʼy nabubuhay.
Aawit ako ng papuri sa aking Diyos
habang akoʼy may hininga.
A vida em Cristo
Jesus é o caminho, a verdade e a vida. Nele encontramos sentido, plenitude e a promessa de vida abundante e eterna.
Sumagot si Hesus, "Ako ang daan, ang katotohanan, at ang buhay. Walang makakarating sa Ama kung hindi sa pamamagitan ko.
Dumarating ang magnanakaw upang nakawin at patayin ang mga tupa; kamatayan at pagkawasak ang dala niya sa kanila. Ngunit akoʼy naparito upang magkaroon ang mga tao ng buhay na ganap."
Sinabi ni Hesus sa kanya, "Ako ang bumubuhay sa mga namatay, at ako rin ang nagbibigay ng buhay. Ang sumasampalataya sa akin, kahit mamatay ay mabubuhay. Ang sinumang nabubuhay at sumasampalataya sa akin ay hindi mamamatay kailanman. Naniniwala ka ba sa sinabi ko?"
Sinabi ni Hesus sa kanila, "Ako ang tinapay na nagbibigay-buhay. Ang sinumang lumalapit at sumasampalataya sa akin ay hindi na magugutom o mauuhaw kailanman.
Sapagkat sinasabi ng Kasulatan na dadaloy ang tubig na nagbibigay-buhay mula sa puso ng sinumang sumasampalataya sa akin."
Namatay akong kasama ni Kristo sa krus. Hindi na ako ang nabubuhay sa aking sarili, kundi si Kristo na. Ang buhay ko ngayon ay ayon na sa aking pananampalataya sa Anak ng Diyos na nagmahal sa akin at nag-alay ng buhay niya para sa akin.
Namatay akong kasama ni Kristo sa krus. Hindi na ako ang nabubuhay sa aking sarili, kundi si Kristo na. Ang buhay ko ngayon ay ayon na sa aking pananampalataya sa Anak ng Diyos na nagmahal sa akin at nag-alay ng buhay niya para sa akin.
Vivendo com sabedoria
A Bíblia nos orienta a viver com sabedoria, aproveitando bem o tempo, guardando o coração e buscando a vontade de Deus para cada dia.
Ipaunawa nʼyo sa amin
na ang buhay namin ay maiksi lang,
upang matuto kaming mamuhay
nang may karunungan.
Anak, pakinggan mo at tanggapin
ang mga sinasabi ko sa iyo
upang humaba ang iyong buhay.
Higit sa lahat, ingatan mo
ang iyong isipan,
sapagkat kung ano ang iyong iniisip
iyon din ang magiging buhay mo.
Higit sa lahat, ingatan mo
ang iyong isipan,
sapagkat kung ano ang iyong iniisip
iyon din ang magiging buhay mo.
Ang taong nagsisikap na magkaroon
ng karunungan
ay nagmamahal sa sarili,
at ang nagpapahalaga
sa pang-unawa ay uunlad.
Ang taong maingat sa pagsasalita
ay nag-iingat ng kanyang buhay.
Ngunit ang taong madaldal,
dulot sa sarili ay kapahamakan.
Ang taong nakikinig sa pagtutuwid sa kanyang pag-uugali
ay mapapabuti at hahaba ang buhay,
ngunit ang taong hindi nakikinig
ay maliligaw ng landas.
Ang pagkatakot sa Panginoon
ay magpapabuti
at magpapahaba ng iyong buhay
at maglalayo sa iyo
sa bitag ng kamatayan.
Ang taong namumuhay
sa katuwiran at kabutihan
ay hahaba ang buhay,
magtatagumpay at pararangalan.
Kaya mag-ingat kayo kung paano kayo mamuhay. Huwag kayong mamuhay tulad ng mga mangmang kundi tulad ng marurunong. Samantalahin ninyo ang lahat ng pagkakataon sa paggawa ng mabuti, dahil marami ang gumagawa ng kasamaan sa panahong ito.
A vida no dia a dia
Cada dia é uma oportunidade de glorificar a Deus. A Escritura nos chama a viver com propósito, confiança e fé prática.
Ituro nʼyo sa akin, Panginoon,
ang tamang pamumuhay,
ang tuwid na daan na dapat kong lakaran.
Tiyak na ang pag-ibig at kabutihan nʼyo
ay mapapasaakin
habang akoʼy nabubuhay.
At akoʼy maninirahan
sa inyong tahanan,
aking Panginoon, magpakailanman.
Manghina man ang aking
katawan at isipan,
kayo, O Diyos, ang aking kalakasan.
Kayo lang ang kailangan ko
magpakailanman.
Iingatan ka ng Panginoon sa anumang kapahamakan;
pati ang buhay moʼy kanyang iingatan.
Ang Panginoon ang mag-iingat sa iyo nasaan ka man,
ngayon at magpakailanman.
Dahil kayo ang aking matibay
na batong kanlungan,
pangunahan nʼyo ako at patnubayan
nang kayo ay aking maparangalan.
Isang bagay ang hinihiling ko sa Panginoon,
ito ang tanging ninanais ko:
na akoʼy manirahan sa kanyang Templo habang akoʼy nabubuhay,
upang mamasdan ko ang kanyang kadakilaan,
at hilingin ang kanyang patnubay.
Pumanatag ka sa piling ng Panginoon,
at matiyagang maghintay sa gagawin niya.
Huwag mong kaiinggitan ang masasama
na gumiginhawa,
kahit pa magtagumpay
ang masasamang plano nila.
Hindi ko kailanman lilimutin
ang inyong mga tuntunin,
dahil sa pamamagitan nitoʼy
patuloy ninyo akong binubuhay.
Prioridades e eternidade
Jesus nos lembra que a vida é mais que comida e o corpo mais que roupa. O que importa é buscar o Reino de Deus e viver para a eternidade.
"Kaya sinasabi ko sa inyo, huwag kayong mag-alala tungkol sa inyong buhay, kung ano ang inyong kakainin o iinumin, o tungkol sa inyong katawan, kung ano ang inyong susuotin. Hindi baʼt mas mahalaga ang buhay kaysa pagkain at ang katawan kaysa damit? Tingnan ninyo ang mga ibon sa himpapawid. Hindi sila nagtatanim, o nag-aani, o nag-iimbak sa kamalig, ngunit pinapakain sila ng inyong Amang nasa langit. Hindi baʼt mas mahalaga kayo kaysa sa kanila? Kaya ba ninyong dagdagan nang kahit isang oras man lang ang buhay ninyo sa pag-aalala ninyo?
Ano ba ang mapapala ng isang tao kung mapasakanya man ang lahat ng bagay sa mundo, subalit mapapahamak naman ang kanyang kaluluwa?
Pagkatapos, tinawag niya ang mga tao, pati na ang mga alagad niya at sinabi sa kanila, "Ang sinumang gustong maging alagad ko ay dapat itakwil ang kanyang sarili, pasanin ang kanyang krus at sumunod sa akin. Sapagkat ang sinumang naghahangad na iligtas ang kanyang buhay ay mawawalan nito. Ngunit ang sinumang nag-aalay ng kanyang buhay alang-alang sa akin at sa Magandang Balita ay maililigtas ito. Ano ba ang mapapala ng isang tao kung mapasakanya man ang lahat ng bagay sa mundo, subalit mapapahamak naman ang kanyang kaluluwa? May maibabayad ba siya para mabawi niya ang kanyang buhay? Kung ako at ang mga salita ko ay ikakahiya ninuman sa harap ng taksil at makasalanang henerasyong ito, ikakahiya rin siya ng Anak ng Tao sa pagparito niya taglay ang kaluwalhatian ng kanyang Ama, at kasama ang mga banal na anghel."
Pagkatapos, sinabi rin niya sa kanila, "Mag-ingat kayo sa lahat ng uri ng kasakiman, dahil ang buhay ng tao ay hindi nasusukat sa dami ng kanyang pag-aari."
At ito ang buhay na walang hanggan: ang makilala ka ng mga tao na ikaw lang ang tunay na Diyos, at makilala rin nila ako na si Hesu-Kristo, ang isinugo mo.
Sapagkat ang kabayaran ng kasalanan ay kamatayan, ngunit ang kaloob ng Diyos ay buhay na walang hanggan sa pamamagitan ni Kristo Hesus na ating Panginoon.
Huwag ninyong tularan ang mga pag-uugali ng mga tao sa mundong ito. Hayaan ninyong baguhin kayo ng Diyos sa pamamagitan ng pagbabago ng inyong mga isip, upang malaman ninyo ang kalooban ng Diyos – kung ano ang mabuti, ganap, at kalugod-lugod sa kanyang paningin.
Sapagkat namumuhay tayo sa pananampalataya at hindi ayon sa mga bagay na nakikita.
Pagsikapan ninyong mamuhay nang may mabuting relasyon sa lahat ng tao, at magpakabanal kayo. Sapagkat kung hindi banal ang pamumuhay nʼyo, hindi nʼyo makikita ang Panginoon.
Sikapin ninyong mamuhay nang mapayapa, at huwag kayong makikialam sa buhay ng iba. Magtrabaho ang bawat isa para sa ikabubuhay niya, tulad ng ibinilin namin sa inyo. Nang sa ganoon, hindi nʼyo na kailangang umasa pa sa iba, at igagalang kayo ng mga hindi mananampalataya.
Anuman ang gawin ninyo, gawin nʼyo ito nang buong katapatan na parang ang Panginoon ang pinaglilingkuran nʼyo at hindi ang tao. Sapagkat nalalaman ninyong may tatanggapin kayong pamana bilang gantimpala mula sa Panginoon. Ang Kristong Panginoon ang inyong pinaglilingkuran.
Mapalad ang taong nananatiling matatag sa kabila ng mga pagsubok dahil pagkatapos niyang mapagtagumpayan ang mga ito, tatanggapin niya bilang gantimpala ang buhay na walang hanggan, na ipinangako ng Diyos sa mga nagmamahal sa kanya.
Sino sa inyo ang marunong at nakakaunawa? Ipakita niya na talagang marunong siya sa pamamagitan ng mabuting pamumuhay na may pagpapakumbaba.
Sapagkat sinasabi ng Kasulatan:
"Ang sinumang nagnanais
ng maligaya at masaganang pamumuhay
ay hindi dapat magsalita ng masama
at iwasang magsabi ng kasinungalingan.
Dapat lumayo siya sa masama at gawin ang mabuti.
Pagsikapan niyang kamtin ang kapayapaan.
Ang lahat ng may buhay
ay magpuri sa Panginoon.
Purihin ang Panginoon!
Ang bawat pangyayari
ay may dahilan,
at ang lahat ng bagay
ay may nakatakdang oras
sa mundong ibabaw.
Inuutusan ko kayo ngayong mahalin ang Panginoon na inyong Diyos, na mamuhay ayon sa kanyang pamamaraan, at sundin ang kanyang mga utos at tuntunin. Kapag ginawa ninyo ito, mabubuhay kayo nang matagal at dadami, at pagpapalain kayo ng Panginoon doon sa lupaing titirhan at aangkinin ninyo.
Igalang mo ang iyong amaʼt ina upang mabuhay ka nang matagal sa lupaing ibinibigay sa iyo ng Panginoon na iyong Diyos.
Ang buhay namin ay hanggang pitumpung taon lang,
o kung malakas pa ay aabot
ng walumpung taon naman.
Ngunit kahit ang aming pinakamagandang mga taon
ay puno ng paghihirap at kaguluhan.
Talagang hindi magtatagal
ang buhay namin
at kami ay mawawala.
"Panginoon, ipabatid nʼyo po sa akin
kung kailan ang aking katapusan
at kung ilan ang nalalabing mga araw;
ipaalala ninyong ang buhay ko
ay pansamantala lamang.
Kay ikli ng buhay na ibinigay nʼyo sa akin.
Katumbas lang ng isang saglit para sa inyo.
Itoʼy parang hangin lamang na dumadaan,
o kayaʼy parang anino na nawawala.
Abala siya sa mga bagay na wala namang kabuluhan.
Nagtitipon siya ng kayamanan, ngunit kapag siyaʼy namatay,
hindi na niya alam kung sino ang makikinabang.
Kung nais ninyo ng masaya
at mahabang buhay,
iwasan ninyo ang masamang pananalita
at pagsisinungaling.
Lumayo kayo sa masama
at gawin ninyo ang mabuti.
Pagsikapan ninyong kamtin
ang kapayapaan.
Ang katandaan ay tanda ng karangalan
na matatanggap ng taong
namumuhay sa katuwiran.
Kung paanong ang mukha ng tao
ay naaaninaw sa tubig,
ang pagkatao naman
ay makikita sa iyong puso.