Pular para o conteúdo
Publicidade

Genesis 2

1 At natapos ngang likhain ng Diyos ang langit at ang lupa at ang lahat ng naroon.

2 Natapos niya ito sa loob ng anim na araw at nagpahinga siya sa ikapitong araw. 3 Binasbasan niya ang ikapitong araw at itinuring ito na di-pangkaraniwang araw, dahil sa araw na ito nagpahinga siya nang matapos niyang likhain ang lahat.

Si Adan at si Eva

4 Ito ang salaysay tungkol sa pagkalikha sa langit at sa lupa.

Nang likhain ng Panginoong Diyos ang lupa at ang langit, 5 wala pang halamang tumutubo sa lupa at wala pang tanim na sumisibol, sapagkat hindi pa nagpapaulan ang Panginoong Diyos at wala pang taong nagbubungkal ng lupa. 6 Ngunit kahit wala pang ulan, may mga bukal ng tubig mula sa ilalim ng lupa at dinidiligan ang lahat ng ibabaw nito. 7 Nilikha ng Panginoong Diyos ang tao mula sa lupa. Hiningahan niya sa ilong ang tao ng hiningang nagbibigay-buhay. Kaya ang tao ay naging buháy na nilalang.

8 Pagkatapos, nilikha rin ng Panginoong Diyos ang isang halamanan sa , sa bandang silangan, at doon niya pinatira ang tao na nilikha niya. 9 At pinatubo ng Panginoong Diyos ang lahat ng uri ng puno na magagandang tingnan at may masasarap na bunga. Sa gitna ng halamanan ay may puno na nagbibigay ng buhay, at may puno rin doon na nagbibigay ng kaalaman kung ano ang mabuti at masama.

10 Mula sa , may ilog na dumadaloy na siyang nagbibigay ng tubig sa halamanan. Nagsanga-sanga ito sa apat na ilog. 11 Ang pangalan ng unang ilog ay Pishon. Dumadaloy ito sa buong lupain ng Havila kung saan mayroong ginto. 12 Sa lugar na iyon makikita ang purong ginto, ang mamahaling pabango na bediliyum, at ang mamahaling batong onise. 13 Ang pangalan ng ikalawang ilog ay Gihon. Dumadaloy ito sa buong lupain ng Cus.2:13 Cus: Maaaring tumutukoy sa rehiyon sa palibot ng Etiopia at Sudan; o sa timog-silangang Mesopotamia. 14 Ang pangalan ng ikatlong ilog ay . Dumadaloy ito sa silangan ng . At ang ikaapat na ilog ay ang .

15 Pinatira ng Panginoong Diyos sa halamanan ng ang taong nilikha niya upang bungkalin ito at alagaan. 16 At sinabi ng Panginoong Diyos sa tao, "Makakakain ka ng kahit anong bunga ng punongkahoy sa halamanan, 17 maliban lang sa bunga ng punongkahoy na nagbibigay ng kaalaman kung ano ang mabuti at masama. Sapagkat sa oras na kainin mo ito, tiyak na mamamatay ka."

18 Pagkatapos, sinabi ng Panginoong Diyos, "Hindi mabuting mabuhay ang tao nang nag-iisa lang, kaya igagawa ko siya ng kasama na tutulong sa kanya at nararapat sa kanya."

19 Nilikha ng Panginoong Diyos mula sa lupa ang lahat ng uri ng hayop na nakatira sa lupa pati ang lahat ng uri ng hayop na lumilipad. Pagkatapos, dinala niya ang mga ito sa tao upang tingnan kung ano ang ipapangalan nito sa kanila. At kung ano ang itatawag ng tao sa kanila, iyon ang magiging pangalan nila. 20 Kaya pinangalanan ng tao ang lahat ng hayop na maaamo at maiilap, at ang mga ibon sa himpapawid.

Ngunit para sa kanya, wala kahit isa sa kanila ang nababagay na maging kasama niya na makakatulong sa kanya. 21 Kaya pinatulog ng Panginoong Diyos ang lalaki nang mahimbing. At habang natutulog siya, kinuha ng Panginoong Diyos ang isa sa mga tadyang niya2:21 isa sa mga tadyang niya: O isang parte sa tagiliran ng lalaki. at pinaghilom ang laman na pinagkuhanan nito. 22 Mula sa tadyang na kinuha ng Panginoong Diyos sa lalaki, gumawa siya ng isang babae, at dinala ito sa lalaki.

23 Sinabi ng lalaki,

"Narito na ang isang tulad ko!

Buto na kinuha sa aking mga buto,

at laman na kinuha sa aking laman.

Tatawagin siyang ‘babae,’

dahil kinuha siya mula sa lalaki."

24 Iyan ang dahilan na iiwan ng lalaki ang kanyang amaʼt ina at makikipag-isa sa kanyang asawa, at silang dalawa ay magiging isa.

25 Nang panahong iyon, kapwa huboʼt hubad ang lalaki at ang babae, ngunit hindi sila nahihiya.

Lugar Bíblico
Estrutura / Marco
Éden
Hoje: Armênia / Monte Ararate
עֵ֫דֶןeden
Éden é o lugar em que o Senhor Deus plantou um jardim, a leste, e pôs o homem que formou; do Éden saía um rio que se dividia em quatro braços (Gênesis 2:8).
40,38° N, 44,95° L
Citado em 13 versículos
Ver página completa
Lugar Bíblico
Estrutura / Marco
Éden
Hoje: Armênia / Monte Ararate
עֵ֫דֶןeden
Éden é o lugar em que o Senhor Deus plantou um jardim, a leste, e pôs o homem que formou; do Éden saía um rio que se dividia em quatro braços (Gênesis 2:8).
40,38° N, 44,95° L
Citado em 13 versículos
Ver página completa
Lugar Bíblico
Rio / Ribeiro
Hidequel
Hoje: Rio Tigre
חִדֶּ֫קֶלchiddeqel
Hidequel é o grande rio à margem do qual Daniel estava no vigésimo quarto dia do primeiro mês, e o terceiro de quatro rios, que corre a leste da Assíria; o quarto é o Eufrates (Daniel 10:4).
31,00° N, 47,44° L
Citado em 2 versículos
Ver página completa
Lugar Bíblico
Região / Território
Assíria
Hoje: Norte da Mesopotâmia (Iraque)
אַשּׁוּרashshur
Assíria é a terra cujos reis tomaram a Galileia e Naftali, cercaram Samaria por três anos e deportaram israelitas para Hala, Habor e Gozã. Senaqueribe, seu rei, enviou servos a Ezequias em Jerusalém (2 Crônicas 32:9).
36,36° N, 43,15° L
Citado em 141 versículos
Ver página completa
Lugar Bíblico
Rio / Ribeiro
Eufrates
Hoje: Rio Eufrates
פְּרָתperatΕὐφράτηςEuphratēs
O Eufrates é o grande rio até onde Israel foi mandado ir, rumo à terra dos cananeus e ao Líbano; além dele viviam Tera, pai de Abraão, e os antepassados de Israel (Josué 24:2).
31,00° N, 47,44° L
Citado em 44 versículos
Ver página completa
Lugar Bíblico
Estrutura / Marco
Éden
Hoje: Armênia / Monte Ararate
עֵ֫דֶןeden
Éden é o lugar em que o Senhor Deus plantou um jardim, a leste, e pôs o homem que formou; do Éden saía um rio que se dividia em quatro braços (Gênesis 2:8).
40,38° N, 44,95° L
Citado em 13 versículos
Ver página completa
Todos os capítulos de Genesis 50
  1. 1
  2. 2
  3. 3
  4. 4
  5. 5
  6. 6
  7. 7
  8. 8
  9. 9
  10. 10
  11. 11
  12. 12
  13. 13
  14. 14
  15. 15
  16. 16
  17. 17
  18. 18
  19. 19
  20. 20
  21. 21
  22. 22
  23. 23
  24. 24
  25. 25
  26. 26
  27. 27
  28. 28
  29. 29
  30. 30
  31. 31
  32. 32
  33. 33
  34. 34
  35. 35
  36. 36
  37. 37
  38. 38
  39. 39
  40. 40
  41. 41
  42. 42
  43. 43
  44. 44
  45. 45
  46. 46
  47. 47
  48. 48
  49. 49
  50. 50

Estes versículos te tocaram? Ore agora!

+581 estão orando agora.

Junte-se à corrente de oração.