Nananabik ang Panginoon sa naliligaw niyang bayan.
1 Os. 2:15.Nang bata pa ang Israel, aking minahal siya, at Mat. 2:15.tinawag kong aking anak mula Ex. 4:22,23.sa Egipto.
2 Lalo Jer. 7:25,26.silang tinawag ng mga propeta, ay lalo naman silang nagsihiwalay sa kanila: sila’y nangaghahain 2 Hari 17:16.sa mga Baal, at nangagsusunug ng mga kamangyan sa mga larawang inanyuan.
3 Gayon ma’y aking tinuruan ang Ephraim Deut. 1:31.na lumakad; Ex. 15:26.aking kinalong sila sa aking mga bisig; nguni’t hindi nila kinilala na aking pinagaling sila.
4 Akin silang pinatnubayan Juan 6:44.ng mga tali ng tao, ng mga panali ng pag-ibig; at ako’y naging sa kanila’y parang nagaalis ng paningkaw sa kanilang mga panga; at ako’y naglagay ng pagkain sa harap nila.
5 Sila’y hindi babalik sa lupain ng Egipto; Os. 8:13.kundi ang taga Asiria ay magiging kanilang hari, sapagka’t sila’y nagsisitangging manumbalik sa akin.
6 At ang tabak ay lalagak sa kanilang mga bayan, at susupukin ang kanilang mga halang, at lalamunin sila, Os. 10:6.dahil sa kanilang sariling mga payo.
7 At ang aking bayan ay mahilig ng pagtalikod sa akin: bagaman kanilang tinatawag siya na nasa itaas, walang lubos na magtataas sa kaniya.
8 Jer. 9:7.Paanong pababayaan kita, Ephraim? paanong itatakuwil kita, Israel? Gen. 19:24,25.paanong gagawin kitang parang Adma? paanong ilalagay kitang parang Deut. 29:23.Zeboim? ang aking puso ay nabagbag sa loob ko, ang aking mga habag ay nangagalab.
9 Hindi ko isasagawa ang kabangisan ng aking galit, hindi ako babalik upang ipahamak ang Ephraim: Blg. 23:19.sapagka’t ako’y Dios, at hindi tao; ang Banal sa gitna mo; at hindi ako paroroon na may galit.
10 Sila’y magsisilakad ng ayon sa Panginoon, na siyang uungal, na parang leon; sapagka’t Joel 3:16.siya’y uungal, at ang mga anak ay magsisidating na nanginginig na Is. 11:11.mula sa kalunuran.
11 Sila’y darating na nanginginig na parang ibon na mula sa Egipto, at parang kalapati na mula sa lupain ng Asiria; Ezek. 37:21,25.at aking patatahanin sila sa kanilang mga bahay, sabi ng Panginoon.
12 Kinukulong ako ng Ephraim ng kabulaanan sa palibot, at ng sangbahayan ni Israel sa pamamagitan ng daya; nguni’t ang Juda’y nagpupuno pang kasama ng Dios, at tapat na kasama ng Banal.