Ang ikalawang pagaasawa ni Oseas ay naging tanda.
1 At sinabi ng Panginoon sa akin, Os. 1:2,3.Yumaon ka pa, suminta ka sa isang babae na minamahal ng kaniyang kaibigan, Jer. 3:20.at mangangalunya, sa makatuwid baga’y ng gaya ng pagibig ng Panginoon sa mga anak ni Israel, bagaman sila’y nagsisipihit sa ibang mga dios, at nangakakagusto ng mga binilong pasas.
2 Sa gayo’y binili ko siya para sa akin ng labing limang putol na pilak, at ng isang homer na cebada, at ng kalahating homer na cebada;
3 At sinabi ko sa kaniya, Ikaw ay mapapa Deut. 21:13.sa akin na maraming araw; ikaw ay hindi magpapatutot, at ikaw ay hindi na magiging asawa pa ng ibang lalake; kaya’t ako naman ay sasa iyo.
4 Sapagka’t ang mga anak ni Israel ay magsisitahang maraming araw na Os. 10:3.walang hari, at Os. 9:4.walang prinsipe, at walang hain, at walang haligi, at walang Ex. 28:6.efod o mga Huk. 17:5.teraf:
5 Pagkatapos ay manunumbalik ang mga anak ni Israel, at hahanapin ang Panginoon nilang Dios, at si Jer. 23:5;30:9.David na kanilang hari, at magsisiparitong may takot sa Panginoon at sa Jer. 31:12.kaniyang kabutihan sa mga huling araw.