45 Sinasabi sa Kasulatan, "Ang unang tao na si Adan ay binigyan ng buhay." Ngunit ang huling Adan na si Kristo ay espiritung nagbibigay-buhay. 46 Hindi ang espirituwal na katawan ang nauna kundi ang pisikal, at pagkatapos noon ay ang espirituwal naman. 47 Ang unang tao na si Adan ay mula sa lupa, nilikha mula sa alabok, ngunit ang pangalawang tao na si Kristo ay mula sa langit. 48 Katulad ng taong mula sa alabok, ganoon din ang katawan ng mga tao sa lupa at katulad ng taong mula sa langit, ganoon din ang magiging katawan ng mga taong nanampalataya sa kanya. 49 Kaya kung paanong ang katawan natin ngayon ay katulad ng kay Adan na mula sa alabok, darating ang araw na ang katawan natin ay magiging katulad ng kay Kristo na mula sa langit.
Publicidade
Publicidade