Parusa sa mga Gumagawa ng Imoralidad
1 May nagbalita sa akin na mayroong kabilang sa inyo na gumagawa ng seksuwal na imoralidad. Kinakasama niya ang asawa ng kanyang ama. Masahol pa ito sa ginagawa ng mga taong hindi kumikilala sa Diyos, dahil maging sila ay hindi gumagawa nito. 2 Nagagawa pa ninyong magmayabang, sa halip na magluksa at paalisin sa inyong pagtitipon ang taong gumagawa ng ganyan!