Publicidade

1 Coríntios 6

Demanda laban sa Kapatid sa Panginoon

1 Kapag may reklamo ang isa sa inyo laban sa kanyang kapatid sa pananampalataya, nararapat bang magpahatol siya sa hukom na hindi sumasampalataya sa Diyos sa halip na sa kapwa niya mananampalataya? Dapat dalhin niya ito sa mga kapwa niyang sumasampalataya sa Diyos.6:1 sumasampalataya sa Diyos: O banal. Sa Griyego, hagios, na ang ibig sabihin ay "itinuring ng Diyos na kanya." 2 Hindi ba ninyo alam na tayong mga hinirang ang hahatol sa mga tao sa mundo? At kung tayo ang hahatol sa mundo, wala ba kayong kakayahang hatulan ang maliliit na bagay na iyan? 3 Hindi ba ninyo alam na hahatulan natin ang mga anghel? At tiyak na mas kaya ninyong lutasin ang karaniwang alitan sa buhay na ito. 4 Kaya kung mayroon kayong mga alitan, bakit dinadala niya ito sa hukom na hindi mananampalataya sa Diyos? 5 Mahiya naman kayo! Wala na ba talagang marurunong sa inyo na may kakayahang umayos ng inyong alitan?

Veja também

Bíblia Online Bíblia Online

Bíblia Online • Versão: 2026-07-05_12-11-46-