15 Subalit kung gustong humiwalay ng asawang hindi mananampalataya, hayaan siyang humiwalay. Sa ganitong pangyayari ay wala nang pananagutan ang mananampalatayang asawa, dahil tinawag tayo ng Diyos upang mamuhay nang mapayapa. 16 Anong malay ninyo, mga babae, baka maligtas pa ang inyong asawa dahil sa inyo? At kayong mga lalaki, anong malay ninyo, baka maligtas pa ang inyong asawa dahil sa inyo?