Pular para o conteúdo
Publicidade

1 Coríntios 9

Kailangan ang Pansariling Disiplina

24 Alam ba ninyong isa lamang ang nananalo sa isang paligsahan kahit na marami ang sumasali dito? Kaya pagbutihin ninyo ang pagtakbo para makamit ninyo ang gantimpala. 25 Ang bawat manlalaro ay nagsasanay nang mabuti at dinidisiplina ang sarili para makamit ang gantimpala. Ginagawa niya ito para sa gantimpalang hindi nagtatagal. Ngunit ang gantimpalang hinahangad natin ay magtatagal magpakailanman. 26 Kaya nga, may direksiyon ang aking pagtakbo. Hindi lamang ako sumusuntok sa hangin. 27 Dinidisiplina ko ang aking katawan at sinusupil ko ang masasamang pagnanasa nito, dahil baka pagkatapos kong ipangaral ang Magandang Balita sa iba ay ako pa ang hindi makatanggap ng gantimpala mula sa Diyos.

Veja também