21 Ang mga pagdurusa ni Kristo para sa atin ang halimbawang dapat nating tularan. Ito ang dahilan kung bakit tayo tinawag, upang tularan natin ang buhay ni Kristo.
22 "Hindi siya nagkasala o nagsinungaling man."2:22 Isa. 53:9.
23 Ininsulto siya ngunit hindi siya gumanti ng insulto. Pinahirapan siya ngunit hindi siya nagbanta. Ipinagkatiwala niya ang lahat sa Diyos na humahatol nang makatarungan. 24 Siya mismo ang umako sa mga kasalanan natin nang ipako siya sa krus, upang iwanan na natin ang buhay na makasalanan at mamuhay nang matuwid. Dahil sa mga sugat niya, gumaling tayo.