2 Alagaan ninyong mabuti ang mga mananampalatayang nasa pangangalaga ninyo. Katulad sila ng mga tupa at kayo ang mga pastol nila. Dapat taos-puso ninyo silang pangalagaan, dahil ito ang nais ng Diyos. Hindi dahil sa napipilitan lang kayo, o dahil sa may hinihintay kayong kapalit, kundi dahil sa nais talaga ninyong makatulong sa kanila. 3 Huwag kayong maghahari-harian sa mga mananampalatayang ipinagkatiwala sa inyo, kundi maging halimbawa kayo sa kanila. 4 At pagdating ni Kristo na siyang Pinunong Pastol, tatanggap kayo ng gantimpalang napakaganda at hindi kukupas kailanman.
5 At kayo namang mga kabataan, magpasakop kayo sa matatanda. At kayong lahat na mga mananampalataya, magpakumbaba kayo at maglingkod sa isaʼt isa, dahil sinasabi ng Kasulatan:
"Kinamumuhian ng Diyos ang mga mapagmataas,
ngunit kinakaawaan niya ang mga mapagpakumbaba."5:5 Kaw. 3:34.