Pular para o conteúdo
Publicidade

1 Mga Hari 19:19-21

OASD Ang Salita ng Diyos

Ang Pagtawag kay Eliseo

19 Umalis doon si Elias at nakita niya si Eliseo na anak ni Shafat, na nag-aararo gamit ang isang pares na baka. May labing-isang pares na baka sa unahan niya na pinag-aararo ng mga kasama niya. Lumapit si Elias sa kanya, hinubad ang kanyang balabal at pinasa ito kay Eliseo. 20 Iniwan ni Eliseo ang mga baka at hinabol si Elias. Sinabi ni Eliseo, "Hahalik po muna ako sa aking amaʼt ina bilang pamamaalam at saka po ako sasáma sa inyo." Sumagot si Elias, "Sige, pero huwag mong kalimutan ang ginawa ko sa iyo."

21 Kaya bumalik si Eliseo, kinuha ang kanyang mga baka, at kinatay. Ginawa niyang panggatong sa pagluluto ng karne ng mga baka ang mga kagamitan sa pag-aararo. Pagkaluto, binigyan niya ang kanyang mga kasamang nag-aararo, at kumain silang lahat. At agad siyang sumunod kay Elias upang maging lingkod nito.

Em outras traduções

  1. ABTAG Ang Biblia 1905 (Ang Dating Biblia)

    19 Sa gayo’y umalis siya roon at nasumpungan niya si Eliseo na anak ni Saphat, na nag-aararo, na may labing dalawang parehang baka sa unahan niya, at siya’y kasabay ng ikalabing dalawa: at dinaanan siya ni Elias at 2 Hari 2:8, etc.inihagis sa kaniya ang balabal niya.

    20 At kaniyang iniwan ang mga baka, at tumakbong sinundan si Elias, at sinabi, Mat. 8:21,22;Luc. 9:61,62.Isinasamo ko sa iyo na pahagkan mo sa akin ang aking ama at aking ina, at susunod nga ako sa iyo. At sinabi niya sa kaniya, Bumalik ka uli; sapagka’t ano ang ginawa ko sa iyo?

    21 At siya’y bumalik na mula sa pagsunod sa kaniya, at kinuha ang parehang mga baka, at pinatay ang mga yaon, at inilaga ang laman ng mga yaon 2 Sam. 24:22.sa pamamagitan ng mga kasangkapan ng mga baka, at ibinigay sa bayan, at kanilang kinain. Nang magkagayo’y tumindig siya, at 2 Hari 2:1.sumunod kay Elias, at 2 Hari 6:15.naglingkod sa kaniya.

Direitos das traduções citadas

Estes versículos te tocaram? Ore agora!

+581 estão orando agora.

Junte-se à corrente de oração.