Pular para o conteúdo
Publicidade

1 Mga Hari 19:3-10,15,16,18

3 Natakot si Elias, kaya tumakas siya papunta sa Beer-seba na sakop ng Juda, at iniwan niya roon ang utusan niya. 4 Pagkatapos, naglakad siya nang isang araw papuntang ilang. Nagpahinga siya at umupo sa ilalim ng punongkahoy at nanalangin na mamatay na lang sana siya. Sinabi niya, "Tama na po, Panginoon! Kunin na lang ninyo ang buhay koʼt wala naman akong ipinagkaiba sa aking mga ninuno." 5 Pagkatapos, humiga siya sa ilalim ng punongkahoy, at nakatulog.

Biglang may anghel na kumalabit sa kanya at sinabi, "Bumangon ka at kumain." 6 Pagdilat niya, may nakita siyang tinapay sa ulunan niya, na niluto sa mainit na bato, at tubig na nakalagay sa sisidlan. Kumain siya at uminom, at nahigang muli.

7 Bumalik ang anghel ng Panginoon, kinalabit si Elias at sinabi, "Bumangon ka at kumain, dahil malayo pa ang iyong lalakbayin." 8 Kaya bumangon si Elias, kumain, at uminom. Pinalakas siya ng kanyang kinain, at naglakbay siya sa loob ng apatnapung araw at apatnapung gabi, hanggang makarating siya sa Horeb,19:8 Horeb: O Sinai. ang bundok ng Diyos. 9 Pumasok siya sa isang kuweba at doon nagpalipas ng gabi.

Nakipag-usap ang Panginoon kay Elias

Ngayon, sinabi sa kanya ng Panginoon, "Ano ang ginagawa mo rito Elias?" 10 Sumagot siya, "O Panginoon, Diyos ng mga Hukbo, tapat po akong naglilingkod sa inyo. Ngunit tinalikuran ng mga Israelita ang kasunduan nila sa inyo, winasak nila ang mga altar ninyo, at pinagpapatay ang mga propeta ninyo. Ako na lang po ang natira, at pinagsisikapan din nila akong patayin."

15 Nagsalita ang Panginoon sa kanya, "Bumalik ka sa iyong dinaanan, at pumunta sa ilang ng Damasco. Pagdating mo roon, pahiran mo ng langis si Hazael bilang hari ng Aram. 16 Pahiran mo rin si Jehu na anak ni Nimsi bilang hari ng Israel, at si Eliseo na anak ni Shafat, na taga-Abel-mehola, upang pumalit sa iyo bilang propeta. 18 Ngunit ililigtas ko ang pitong libong Israelita na hindi lumuhod at humalik sa imahen ni Baal."

Estes versículos te tocaram? Ore agora!

+581 estão orando agora.

Junte-se à corrente de oração.