4 Pagkatapos, naglakad siya nang isang araw papuntang ilang. Nagpahinga siya at umupo sa ilalim ng punongkahoy at nanalangin na mamatay na lang sana siya. Sinabi niya, "Tama na po, Panginoon! Kunin na lang ninyo ang buhay koʼt wala naman akong ipinagkaiba sa aking mga ninuno." 5 Pagkatapos, humiga siya sa ilalim ng punongkahoy, at nakatulog.
Biglang may anghel na kumalabit sa kanya at sinabi, "Bumangon ka at kumain." 6 Pagdilat niya, may nakita siyang tinapay sa ulunan niya, na niluto sa mainit na bato, at tubig na nakalagay sa sisidlan. Kumain siya at uminom, at nahigang muli.
7 Bumalik ang anghel ng Panginoon, kinalabit si Elias at sinabi, "Bumangon ka at kumain, dahil malayo pa ang iyong lalakbayin." 8 Kaya bumangon si Elias, kumain, at uminom. Pinalakas siya ng kanyang kinain, at naglakbay siya sa loob ng apatnapung araw at apatnapung gabi, hanggang makarating siya sa Horeb,19:8 Horeb: O Sinai. ang bundok ng Diyos. 9 Pumasok siya sa isang kuweba at doon nagpalipas ng gabi.
Nakipag-usap ang Panginoon kay Elias
Ngayon, sinabi sa kanya ng Panginoon, "Ano ang ginagawa mo rito Elias?"