Publicidade

1 Reis 3

5 Kinagabihan, nagpakita sa kanya ang Panginoon sa pamamagitan ng isang panaginip. Sinabi ng Diyos sa kanya, "Humingi ka ng kahit anong gusto mong ibigay ko saʼyo."

6 Sumagot si Solomon, "Ipinakita nʼyo po ang inyong dakilang kabutihan sa aking amang si David, na inyong lingkod, dahil matapat siya sa inyo, at matuwid ang kanyang pamumuhay. Patuloy nʼyo pong ipinakita sa kanya ang inyong dakilang kabutihan sa pamamagitan ng pagbibigay sa kanya ng isang anak na siya pong pumalit sa kanya bilang hari ngayon.

7 "Panginoon na aking Diyos, ako na inyong lingkod ang ipinalit ninyo sa ama kong si David bilang hari, kahit akoʼy musmos lang at walang kaalam-alam sa pamamahala. 8 At ngayon narito po ako kasama ang pinili ninyong mga mamamayan, na hindi mabilang sa sobrang dami. 9 Kaya bigyan nʼyo po ako ng karunungan upang pamahalaan ang inyong mga mamamayan at kaalamang malaman kung ano ang mabuti at masama. Dahil sino po ba ang may kakayahang mamahala sa inyong mga mamamayan na napakarami?"

10 Natuwa ang Panginoon sa hiningi ni Solomon. 11 Kaya sinabi ng Diyos sa kanya, "Dahil humingi ka ng kaalaman na mapamahalaan ang aking mga mamamayan at hindi ka humingi ng mahabang buhay o kayamanan o kamatayan ng iyong mga kaaway, 12 ibibigay ko sa iyo ang kahilingan mo. Bibigyan kita ng karunungang kapantay at kaalaman na hindi pa naangkin ng kahit sino, noon at sa darating na panahon.

Veja também

Bíblia Online Bíblia Online

Bíblia Online • Versão: 2026-07-05_19-25-13-