Pular para o conteúdo
Publicidade

2 Coríntios 11

24 Limang beses akong tumanggap ng tatlumpuʼt siyam na hagupit sa kapwa ko mga Hudyo. 25 Tatlong beses akong pinaghahampas ng mga pamalo; isang beses na pinagbabato. Tatlong beses kong naranasang lumubog ang sinasakyang barko, at minsaʼy nagpalutang-lutang ako sa dagat ng isang araw at gabi. 26 Madalas akong maglakbay, at parating nalalagay sa mga panganib: sa pagtawid sa mga ilog, sa mga tulisan, sa kapwa ko mga Hudyo, sa mga Hentil, sa mga lungsod, sa mga ilang, sa dagat, at sa mga taong nagpapanggap na mga kapatid.

27 Naranasan ko rin ang sobrang hirap at pagod, at kawalan ng tulog. Naranasan ko ang magutom, mauhaw, kadalasaʼy walang makain, at naranasan kong ginawin dahil sa kakulangan ng maisusuot.

Veja também