Publicidade

2 Coríntios 9

Paghikayat sa Pagiging Mapagbigay

6 Tandaan ninyo ito: Ang naghahasik ng kaunti ay umaani ng kaunti, at ang naghahasik ng marami ay umaani ng marami. 7 Ang bawat isa sa inyo ay magbigay nang ayon sa sariling kapasyahan, nang walang pag-aatubili, at hindi sapilitan, dahil mahal ng Diyos ang mga nagbibigay nang may kagalakan. 8 At káyang ibigay ng Diyos sa inyo ang kanyang nag-uumapaw na biyaya nang higit pa sa inyong pangangailangan, para sa lahat ng panahon ay maging sapat kayo sa lahat ng bagay, at nag-uumapaw rin ang inyong mabubuting gawa. 9 Gaya ng sinasabi sa Kasulatan:

"Namigay siya sa mga dukha;

kailanman ay hindi makakalimutan

ang kanyang mabubuting gawa."9:9 Salmo 112:9.

10 Ang Diyos na nagbibigay ng binhi sa magsasaka at tinapay na makakain, ang siya ring magbibigay ng inyong mga pangangailangan upang lalo pa kayong makatulong sa iba. 11 Pasasaganain kayo ng Diyos sa lahat ng bagay upang palagi kayong makatulong sa iba. At marami ang magpapasalamat sa Diyos dahil sa tulong na ipinapadala ninyo sa kanila sa pamamagitan namin.

12 Dahil sa inyong pagbibigay, hindi lamang ninyo natutugunan ang pangangailangan ng mga mananampalataya, kundi magiging dahilan din ito upang marami ang magpasalamat sa Diyos.

Veja também

Bíblia Online Bíblia Online

Bíblia Online • Versão: 2026-07-05_19-25-13-