Pular para o conteúdo
Publicidade

2 Mga Cronica 17

Si Haring Jehoshafat ng Juda

1 Ang pumalit kay Asa bilang hari ay ang anak niyang si Jehoshafat. Pinatibay ni Jehoshafat ang kaharian niya upang makalaban siya sa Israel. 2 Nagtalaga siya ng mga sundalo sa lahat ng napapaderang lungsod, at naglagay din siya ng mga kampo ng sundalo sa Juda at sa mga bayan ng Efraim na sinakop ni na kanyang ama.

3 Sinamahan ng Panginoon si Jehoshafat dahil sa unang mga taon ng paghahari niya sinunod niya ang pamumuhay ng kanyang ninuno na si . Hindi siya dumulog kay Baal,17:3 Baal: O sa mga imahen ni Baal. 4 kundi dumulog siya sa Diyos ng kanyang ama, at sumunod sa kanyang kautusan sa halip na sumunod sa pamumuhay ng mga taga-Israel. 5 Pinatibay ng Panginoon ang kaharian sa ilalim ng kanyang pamumuno. Nagdala ng mga regalo ang lahat ng taga-Juda sa kanya, kaya yumaman siya at naging tanyag. 6 Matapat siya sa pagsunod sa mga pamamaraan ng Panginoon. Ipinagiba niya ang mga sambahan sa matataas na lugar at ang mga posteng imahen ni Ashera sa Juda.

7 Nang ikatlong taon ng paghahari niya, dinala niya ang kanyang mga opisyal na sila Ben-hail, Obadias, Zacarias, Netanel at Micaias upang magturo sa mga bayan ng Juda. 8 Kasama nila ang ibang mga Levita na sina Semaias, Netanias, Zebadias, Asahel, Semiramot, Jehonatan, Adonias, Tobias, Tob-adonias, at ang mga pari na sina Elisama at Jehoram. 9 Dinala nila ang Aklat ng Kautusan ng Panginoon at umikot sila sa lahat ng bayan ng Juda at nagturo sa mga tao.

10 Niloob ng Panginoon na matakot sa kanya ang lahat ng kaharian sa paligid ng Juda, kaya wala sa kanila na nakipaglaban kay Jehoshafat. 11 Ang ibang mga Filisteo ay nagdala kay Jehoshafat ng mga regalo at pilak bilang buwis, at ang mga taga-Arabia ay nagdala sa kanya ng 7,700 tupa at 7,700 kambing.

12 Kaya naging makapangyarihan pa si Jehoshafat. Nagpatayo siya sa Juda ng mga depensa at ng mga lungsod na ginawang mga bodega. 13 Maraming pantustos ang tinipon niya sa mga bayan ng Juda. Naglagay din siya ng mahuhusay at matatapang na sundalo sa . 14 Ang kanyang mga sundaloʼy inilista ayon sa kanilang mga pamilya.

Mula sa lahi ni Juda na binukod-bukod sa tig-isang libo sa bawat yunit: si Adna ang kumander ng tatlondaang libong sundalo, 15 Ang sumunod sa kanya ay si Jehohanan na kumander ng 280,000 sundalo. 16 Sumunod ay si Amazias na anak ni Zicri, na kumander ng dalawandaang libong sundalo. Nagkusang-loob siya para sa gawain ng Panginoon.

17 Mula sa lahi ni Benjamin: si Eliada, na isang matapang na tao, ang kumander ng dalawandaang libong sundalo. Ang mga sundalong itoʼy may mga pananggalang at mga pana. 18 Ang sumunod sa kanya ay si Jehosabad na kumander ng 180,000 armadong sundalo.

19 Sila ang mga naglingkod sa hari bukod pa sa mga sundalo na inilagay ni Haring Jehoshafat sa lahat ng napapaderang lungsod sa Juda.

Pessoa
Tribo de Judá
Asa
אָסָאasaΑσαAsa
Asa foi rei de Judá, filho e sucessor de Abias. Ele depôs Maaca da posição de rainha-mãe porque Maaca fez uma imagem repugnante da deusa Aserá, e Asa derrubou a imagem e a queimou (1 Reis 15:13).
Significado: “Curador; mirto”
Ver página completa
Pessoa
Tribo de Judá
Davi
דָוִֽדdavidΔαυιδDauid
Davi, filho de Jessé, era pastor em Belém quando Samuel o ungiu; venceu Golias, reinou sobre Israel em Jerusalém e escreveu muitos dos salmos (1 Samuel 16:13).
Significado: “Amado”
Ver página completa
Lugar Bíblico
Cidade / Povoado
Jerusalém
Hoje: Jerusalém, Israel
יְרוּשָׁלִַ֫םyerushalaimἹερουσαλήμHierousalēm
Jerusalém é a cidade do templo de Deus, onde moraram filhos de Judá e de Benjamim; o exército babilônio derrubou os muros da cidade (2 Reis 25:10).
31,78° N, 35,23° L
Citado em 955 versículos
Ver página completa
Todos os capítulos de 2 Mga Cronica 36
  1. 1
  2. 2
  3. 3
  4. 4
  5. 5
  6. 6
  7. 7
  8. 8
  9. 9
  10. 10
  11. 11
  12. 12
  13. 13
  14. 14
  15. 15
  16. 16
  17. 17
  18. 18
  19. 19
  20. 20
  21. 21
  22. 22
  23. 23
  24. 24
  25. 25
  26. 26
  27. 27
  28. 28
  29. 29
  30. 30
  31. 31
  32. 32
  33. 33
  34. 34
  35. 35
  36. 36

Estes versículos te tocaram? Ore agora!

+581 estão orando agora.

Junte-se à corrente de oração.