Pular para o conteúdo
Publicidade

2 Mga Cronica 7:12-15

OASD Ang Salita ng Diyos

12 At isang gabi, nagpakita sa kanya ang Panginoon at sinabi,

"Narinig ko ang panalangin mo at pinili ko ang Templong ito na lugar upang pag-aalayan ng mga handog.

13 "Halimbawang hindi ko paulanin, o kaya namaʼy magpadala ako ng mga balang sa lupa na kakain ng mga tanim, o magpadala ako ng salot sa aking mga mamamayan; 14 at kung ang mga mamamayan ko na aking tinawag ay magpakumbaba, manalangin, dumulog sa akin, at tumalikod sa ginagawa nilang kasamaan, diringgin ko sila mula sa langit at patatawarin ang kanilang kasalanan, at pagpapalain kong muli ang kanilang lupain. 15 Papansinin ko sila at pakikinggan ang kanilang mga panalangin sa lugar na ito,

Em outras traduções

  1. ABTAG Ang Biblia 1905 (Ang Dating Biblia)

    12 At ang Panginoon ay napakita kay Salomon sa gabi, at sinabi sa kaniya, Aking narinig ang iyong dalangin, tal.16;Deut. 12:5.at pinili ko ang dakong ito sa aking sarili na pinakabahay na hainan.

    13 Kung aking sarhan ang langit na anopa’t huwag magkaroon ng ulan, o kung aking utusan ang balang na lamunin ang lupain, o kung ako’y magsugo ng salot sa gitna ng aking bayan;

    14 Kung ang aking bayan na tinatawag sa pamamagitan ng aking pangalan ay magpakumbaba at dumalangin, at hanapin ang aking mukha, at talikuran ang kanilang masamang mga lakad; 2 Cron. 6:27,30.akin ngang didinggin sa langit, at ipatatawad ko ang kanilang kasalanan, at pagagalingin ko ang kanilang lupain.

    15 Ngayo’y ang aking mga mata ay didilat, at ang aking pakinig ay makikinig, sa dalangin na gagawin sa dakong ito.

Direitos das traduções citadas

Estes versículos te tocaram? Ore agora!

+581 estão orando agora.

Junte-se à corrente de oração.