Pular para o conteúdo
Publicidade

2 Pedro 2

Ang mga Huwad na Guro at ang Kanilang Pagkasira

1 Ngunit nagkaroon din ng mga bulaang propeta sa mga mamamayan ng Israel noong araw, at ganito rin ang mangyayari sa inyo. Magkakaroon ng mga huwad na guro sa inyo at palihim nilang ituturo ang mga aral na makakasira sa pananampalataya ninyo. Itatakwil nila maging ang Panginoon na tumubos sa kanila, kaya biglang darating sa kanila ang kapahamakan. 2 Sa kabila nito, marami pa ring susunod sa nakakahiya nilang pamumuhay, at dahil sa kanila, malalapastangan ang katotohanang sinusunod natin. 3 Dahil sa kasakiman nila, lilinlangin nila kayo sa pamamagitan ng matatamis na salita upang perahan kayo. Matagal nang nakahanda ang hatol sa kanila, at malapit na silang lipulin.

Veja também

2 Pedro
Ver todos os capítulos de 2 Pedro