Publicidade

2 Pedro 3

8 Ngunit huwag sana ninyong kakalimutan mga minamahal, na sa Panginoon, walang pinagkaiba ang isang araw sa isang libong taon. Para sa kanya ang mga ito ay pareho lang. 9 Hindi nagpapabaya ang Panginoon sa pagtupad sa pangako niya, gaya ng inaakala ng ilan. Ang totoo, binibigyan lang niya ng pagkakataong magsisi ang lahat sa mga kasalanan nila, dahil ayaw niyang mapahamak ang sinuman.

10 Ang araw ng Panginoon ay darating tulad ng isang magnanakaw. Sa araw na iyon, biglang maglalaho ang kalangitan kasabay ng nakakapangilabot na ugong. Tutupukin ng apoy ang mga elemento sa kalangitan at ang lupa at ang lahat ng naroon ay masusunog.

11 Kung ganito ang magiging kahihinatnan ng lahat, dapat kayong mamuhay nang banal at maka-Diyos, 12 habang hinihintay ninyo ang araw ng pagdating ng Diyos at ginagawa ang makakayanan ninyo upang mapadali ang pagdating niya. Sa araw na ito, masisira ng apoy ang kalangitan at matutunaw ang lahat ng bagay na naroroon sa tindi ng init. 13 Ngunit ayon sa pangako niya, may maaasahan din tayong bagong langit at lupang paghaharian ng katarungan.

Veja também

2 Pedro
Ver todos os capítulos de 2 Pedro
Bíblia Online Bíblia Online

Bíblia Online • Versão: 2026-07-05_19-25-13-