1 Kaya noong ikasampung araw ng ikasampung buwan ng ikasiyam na taon ng paghahari ni Zedequias, lumusob si Haring Nebucadnezar ng Babiloniaat ang buong sundalo niya sa Jerusalem. Nagkampo sila sa labas ng lungsod at nagtambak ng mga lupa sa gilid ng pader nito para may matuntungan sila. 2 Pinalibutan nila ang lungsod hanggang ikalabing-isang taon ng paghahari ni Zedequias.
3 Noong ikasiyam na araw ng ikaapat na buwan ng taon ding iyon, matindi na ang taggutom sa lungsod at wala nang makain ang mga tao. 4 Winasak na ng mga taga-Babilonia ang isang bahagi ng pader ng lungsod, kaya naisip ni Zedequias na tumakas kasama ang kanyang buong hukbo. Pero dahil sa napalibutan na sila ng mga taga-Babilonia, naghintay sila hanggang sa gumabi. Doon sila dumaan sa pintuan na nasa pagitan ng dalawang pader malapit sa halamanan ng hari. Tumakas sila patungo sa Kapatagan ng Jordan,25:4 Kapatagan ng Jordan: Sa Hebreo, Araba.5 pero hinabol sila ng mga sundalo ng Babilonia at inabutan sila sa kapatagan ng Jerico. Humiwalay kay Zedequias ang lahat ng sundalo niya, 6 at siyaʼy nahuli.
Dinala siya sa hari ng Babiloniasa Ribla, at doon siya hinatulan. 7 Pinatay sa harapan niya ang mga anak niyang lalaki. Dinukit ang mga mata niya, at nakakadena siyang dinala sa Babilonia.
8 Nang ikapitong araw ng ikalimang buwan, nang ikalabinsiyam na taon ng paghahari ni Nebucadnezar sa Babilonia, pumunta sa Jerusalemsi Nebuzaradanna kumander ng mga guwardiya ng hari ng Babilonia. 9 Sinunog niya ang Templo ng Panginoon, ang palasyo, ang lahat ng bahay sa Jerusalemat ang lahat ng mahahalagang gusali. 10 Sa pamamahala niya, giniba ng mga sundalo ng Babilonia ang mga pader na nakapalibot sa Jerusalem. 11 At dinala niyang bihag ang mga natitirang tao sa lungsod, pati ang mga taong kumampi sa hari ng Babilonia. 12 Pero itinira niya ang iba sa pinakamahihirap na tao para mag-alaga sa mga ubasan at bukirin.
13 Sinira ng mga taga-Babiloniaang mga kagamitan sa Templo ng Panginoon: ang mga haliging tanso, mga karitong ginagamit sa pag-iigib, at ang malaking lalagyan ng tubig na tanso na tinatawag na Dagat. At dinala nila ang mga tanso sa Babilonia. 14 Kinuha rin nila ang mga kawali, mga pala, mga panggupit ng mitsa ng ilaw, mga mangkok at ang iba pang tanso na ginagamit sa Templo. 15 Kinuha rin ni Nebuzaradan ang mga lalagyan ng baga, mga mangkok at ang iba pang mga gamit na ginto at pilak.
16 Hindi matimbang ang mga tanso na mula sa dalawang haligi, sa malaking lalagyan ng tubig na tinatawag na Dagat, at sa mga kariton na ginagamit sa pag-iigib ng tubig. Ito ang mga bagay na ipinagawa noon ni Solomonpara sa Templo ng Panginoon. 17 Ang bawat haligi ay may taas na 27 talampakan. Ang dalawang tanso na ulo ng bawat haligi ay may taas na apat at kalahating talampakan. Pinaikutan ito ng mga kadenang dugtong-dugtong at napapalibutan ng dekorasyong tanso, na hugis pomegranata.
18 Binihag din ni Nebuzaradan ang punong pari na si Seraias, si Zefaniasna sumunod sa posisyon ni Seraya at ang tatlong guwardiya ng pintuan ng Templo. 19 Ito pa ang mga nakita niya at dinalang bihag mula sa lungsod: ang opisyal ng mga sundalo ng Juda, ang limang tagapamahala ng hari, ang kumander na kumukuha at nagsasanay ng mga taong magiging sundalo at ang 60 pang mamamayan doon. 20 Dinala silang lahat ni Nebuzaradansa hari ng Babiloniana nasa Ribla, 21 na sakop ng Hamat. At doon sila pinatay ng hari. Kaya ang mga mamamayan ng Juda ay binihag at dinala papalayo sa lupain nila.
22 Pinili ni Haring Nebucadnezar ng Babiloniasi Gedaliasna anak ni Ahikamat apo ni Safanbilang gobernador ng mga naiwang tao sa Juda. 23 Nang marinig ito ng mga opisyal ng Juda at ng mga tauhan nila, pumunta sila kay Gedaliassa Mizpa. Sila ay sina Ismaelna anak ni Netanias, Johananna anak ni Karea, Seraya na anak ni Tanhumetna taga-Netofa, Jaazanias na taga-Maaca, at ang kanilang mga tauhan. 24 Sumumpa si Gedaliassa kanila at sa mga tauhan nila, "Huwag kayong matakot sa mga opisyal ng Babilonia. Manirahan lang kayo rito at paglingkuran ninyo ang hari ng Babiloniaat walang mangyayari sa inyo."
25 Ngunit, noong ikapitong buwan ng taon na iyon, pumunta sa Mizpasi Ismaelna anak ni Netaniasat apo ni Elishama, na miyembro ng sambahayan ng hari. Kasama ang sampung tao, pinatay nila si Gedaliasat ang mga kasama nitong taga-Juda at taga-Babilonia. 26 Dahil dito, lahat ng tao sa Juda mula sa pinakatanyag hanggang sa pinakamababa, pati ang mga opisyal ng mga sundalo ay tumakas papuntang Ehipto dahil natakot sila sa maaaring gawin sa kanila ng mga taga-Babilonia.
27 Noong ikatatlumpuʼt pitong taon ng pagkabihag ni Haring Jehoiakin ng Juda, naging hari ng Babiloniasi Evil-merodac. Pinalaya niya sa pagkakakulong si Jehoiakin noong ikadalawampuʼt pitong araw ng ikalabindalawang buwan ng taon ding iyon. 28 Mabait siya kay Jehoyakin at pinarangalan niya ito higit sa ibang mga hari na binihag din sa Babilonia. 29 Kaya hindi na nagsuot si Jehoyakin ng damit na para sa mga bilanggo, at mula noon ay kumakain na siya kasama ng hari. 30 Araw-araw siyang binibigyan ng hari ng mga pangangailangan niya habang siyaʼy nabubuhay.
Lugar Bíblico
Cidade / Povoado
Babilônia
Hoje: Al-Hillah (Babilônia), Iraque
בָּבֶ֫לbavelΒαβυλώνBabulōn
Babilônia é a cidade cujo rei foi a Jerusalém, tirou de lá o rei e os nobres e os levou consigo para a Babilônia (Ezequiel 17:12).
Zedequias, filho de Josias, foi o último rei de Judá; rebelou-se contra a Babilônia, viu os filhos serem mortos, teve os olhos vazados e foi levado preso (2 Reis 25:7).
Em Ribla, na terra de Hamate, o rei da Babilônia pronunciou a sentença de Zedequias e mandou executar os filhos de Zedequias e todos os nobres de Judá (Jeremias 39:6).
Salomão, filho de Davi e de Bate-Seba, reinou sobre Israel, pediu a Deus sabedoria para governar o povo e construiu o templo do Senhor em Jerusalém (2 Samuel 12:24).
Em Ribla, na terra de Hamate, o rei da Babilônia pronunciou a sentença de Zedequias e mandou executar os filhos de Zedequias e todos os nobres de Judá (Jeremias 39:6).
Hamate é uma terra onde ficava Ribla, lugar em que Zedequias foi levado a Nabucodonosor, rei da Babilônia, que lhe pronunciou a sentença (Jeremias 39:5).
Safã, filho de Azalias, foi secretário do rei Josias e leu diante do rei o livro da lei achado no templo, que o sacerdote Hilquias lhe entregou. Era pai de Aicão (2 Reis 22:10).
Mizpá é o lugar onde os israelitas se reuniram como um só homem diante do Senhor e onde Gedalias, nomeado governador pelo rei da Babilônia, recebeu os líderes do exército (2 Reis 25:23).
Mizpá é o lugar onde os israelitas se reuniram como um só homem diante do Senhor e onde Gedalias, nomeado governador pelo rei da Babilônia, recebeu os líderes do exército (2 Reis 25:23).