Ang Pamamahala ni Gedalias sa Juda
7 May ilang mga opisyal at mga sundalo ng Juda na nasa bukirin na hindi sumuko sa mga taga-Babilonia. Nabalitaan nilang si Gedalias na anak ni Ahikam ay ginawang gobernador ng hari ng Babilonia sa buong lupain upang mamuno sa mga lalaki, babae at mga bata na siyang pinakamahirap ang kalagayan na naiwan at hindi dinalang bihag sa Babilonia. 8 Kaya pumunta ang mga pinunong ito kay Gedalias na nasa Mizpa. Ang mga pinunong ito ay sina Ismael na anak ni Netanias, Johanan at Jonatan na mga anak na lalaki nila Karea, Seraya na anak ni Tanhumet, ang mga anak ni Efai na taga-Netofa, at Jezanias na anak ng taga-Maaca. Sumama sa kanila ang mga tauhan nila. 9 Sumumpa sa kanila si Gedalias na anak ni Ahikam at apo ni Safan na hindi sila mapapahamak kung magpapasakop sila sa mga taga-Babilonia. Sinabi niya sa kanila, "Huwag kayong matakot. Manirahan kayo rito sa lupaing ito at maglingkod kayo sa hari ng Babilonia, at mapapabuti kayo.