Pinatay si Gedalias
1 Si Ismael ay anak ni Netanias at apo ni Elishama. Kabilang siya sa sambahayan ng hari at isa sa mga pinuno ng hari noon. Nang ikapitong buwan ng taong iyon, pumunta si Ismael kasama ang sampung tauhan niya kay Gedalias na anak ni Ahikam sa Mizpa. At habang kumakain sila, 2 tumayo si Ismael na anak ni Netanias at ang sampung kasama niya at pinatay nila si Gedalias na anak ni Ahikam at apo ni Safan sa pamamagitan ng espada. Kaya napatay ang pinili ng hari ng Babilonia bilang gobernador sa buong lupain. 3 Pinatay din ni Ismael at ng mga tauhan niya ang lahat ng pinuno ng mga Hudyo na nakasama ni Gedalias doon sa Mizpa, pati ang mga sundalo na taga-Babilonia.