1 Ipinakita rin sa akin ng anghel ang ilog na nagbibigay-buhay. Ang tubig nito ay kasinlinaw ng kristal at dumadaloy mula sa trono ng Diyos at ng Kordero, 2 at umaagos sa gitna ng pangunahing lansangan ng lungsod. Sa magkabilang tabi ng ilog ay may punongkahoy na nagbibigay-buhay. Namumunga ito ng labindalawang beses sa isang taon, isang beses sa bawat buwan. At ang mga dahon nito ay ginagamit sa pagpapagaling sa mga bansa. 3 Walang anumang isinumpa ng Diyos na makikita roon. Naroon ang trono ng Diyos at ng Kordero, at sasambahin siya ng mga lingkod niya. 4 Makikita nila ang kanyang mukha, at isusulat sa mga noo nila ang kanyang pangalan. 5 Wala nang gabi roon, kaya hindi na kailangan ang mga ilawan o ang liwanag ng araw, dahil ang Panginoong Diyos ang magiging ilaw nila. At maghahari sila magpakailanman.
Publicidade
Apocalipse 22
Ang Pagpapanumbalik ng Eden
Veja também
Publicidade