Pular para o conteúdo
Publicidade

Mga Gawa 16:9-12

OASD Ang Salita ng Diyos

9 Nang gabing iyon, nagkaroon si Pablo ng isang pangitain. Nakita niya ang isang taga-Macedonia na nakatayo at nagmamakaawa sa kanya. Sinabi ng tao, "Puntahan mo kami rito sa Macedonia at tulungan." 10 Pagkatapos makita ni Pablo ang pangitaing iyon, naghanda kami agad papuntang Macedonia, dahil naramdaman naming pinapapunta kami roon ng Diyos upang mangaral ng Magandang Balita sa mga tagaroon.

Naniwala si Lydia kay Hesus

11 Naglayag kami mula Troas papuntang Samotracia, at kinabukasan ay dumating kami sa Neapolis. 12 Mula Neapolis, pumunta kami sa Filipos, ang pangunahing lungsod ng Macedonia. Maraming nakatira doon na taga-Roma. Tumigil kami roon ng ilang araw.

Em outras traduções

  1. ABTAG Ang Biblia 1905 (Ang Dating Biblia)

    9 At napakita ang isang pangitain sa gabi kay Pablo: May isang lalaking taga Macedonia na nakatayo, na namamanhik sa kaniya, at sinasabi, Tumawid ka sa Macedonia, at tulungan mo kami.

    10 At pagkakita niya sa pangitain, pagdaka’y pinagsikapan naming magsiparoon sa Macedonia, na pinatutunayang kami’y tinawag ng Dios upang sa kanila’y ipangaral ang evangelio.

    11 Pagtulak nga sa Troas, ay pinunta namin ang Samotracia, at nang kinabukasa’y ang Neapolis;

    12 At mula doo’y Fil. 1:1.ang Filipos, na isang bayan ng Macedonia, na siyang tal.21.una sa purok, lupang nasasakupan ng Roma: at nangatira kaming ilang araw sa bayang yaon.

Direitos das traduções citadas

Estes versículos te tocaram? Ore agora!

+581 estão orando agora.

Junte-se à corrente de oração.