Pular para o conteúdo
Publicidade

Mga Gawa 2:1-4

OASD Ang Salita ng Diyos

Ang Pagdating ng Banal na Espiritu sa Pentecostes

1 Pagdating ng araw ng pista ng Pentecostes, nagtipon ang lahat ng mananampalataya sa isang bahay. 2 Habang nagtitipon sila, bigla na lang silang nakarinig ng ugong na mula sa langit, na katulad ng malakas na hangin. At napuno nito ang buong bahay na kanilang kinaroroonan. 3 Pagkatapos, may nakita silang mga ningas ng apoy na parang mga dila na kumalat at dumapo sa bawat isa sa kanila. 4 Napuspos silang lahat ng Banal na Espiritu, at nakapagsalita sila sa ibaʼt ibang wika ayon sa kakayahang ibinigay sa kanila ng Espiritu.

Em outras traduções

  1. ABTAG Ang Biblia 1905 (Ang Dating Biblia)

    1 At nang dumating nga Lev. 23:15.ang araw ng Pentecostes, silang lahat tal. 46;Gawa 1:14.ay nangagkakatipon sa isang dako.

    2 At biglang dumating mula sa langit ang isang ugong na Gawa 4:31.gaya ng sa isang humahagibis na hanging malakas, at pinuno ang buong bahay na kanilang kinauupuan.

    3 At sa kanila’y may napakitang mga dilang kawangis ng Mat. 3:11.apoy, na nagkabahabahagi; at dumapo sa bawa’t isa sa kanila.

    4 At silang lahat Gawa 4:31;13:52.ay nangapuspos ng Espiritu Santo, at nangagpasimulang Mar. 16:17;Gawa 10:46;19:6;1 Cor. 12:10,28,30.magsalita ng iba’t ibang wika, ayon sa ipinagkakaloob ng Espiritu na kanilang salitain.

Direitos das traduções citadas

Estes versículos te tocaram? Ore agora!

+581 estão orando agora.

Junte-se à corrente de oração.