6 Ngunit sinabi ni Pedro sa kanya, "Wala ako ni isang kusing3:6 kusing: Sa literal, pilak o ginto.. Ngunit ibibigay ko saʼyo kung anoʼng mayroon ako. Sa pangalan ni Hesu-Kristo na taga-Nazaret, tumayo ka at lumakad!" 7 At hinawakan ni Pedro ang kanang kamay nito upang tulungang tumayo. Biglang lumakas ang kanyang mga paa at bukong-bukong. 8 Palukso siyang tumayo at nagsimulang maglakad-lakad. Pagkatapos, pumasok siya sa Templo kasama nina Pedro at Juan habang palakad-lakad at patalon-talon na nagpupuri sa Diyos.
Publicidade
Mga Gawa 3:6-8
OASD Ang Salita ng Diyos
Em outras traduções
- ABTAG Ang Biblia 1905 (Ang Dating Biblia)
6 Datapuwa’t sinabi ni Pedro, Pilak at ginto ay wala ako; datapuwa’t ang nasa akin, ay siya kong ibinibigay sa iyo. tal.15;Gawa 4:10.Sa pangalan ni Jesucristong taga Nazaret, lumakad ka.
7 At kaniyang hinawakan siya sa kanang kamay, at siya’y itinindig: at pagdaka’y nagsilakas ang kaniyang mga paa at mga bukong-bukong.
8 At Is. 35:6.paglukso, siya’y tumayo, at nagpasimulang lumakad; at pumasok na kasama nila sa templo, na lumalakad, at lumulukso, at nagpupuri sa Dios.
Direitos das traduções citadas
Estes versículos te tocaram? Ore agora!
+581 estão orando agora.
Junte-se à corrente de oração.