Pular para o conteúdo
Publicidade

Mga Gawa 4:29-31

OASD Ang Salita ng Diyos

29 At ngayon, Panginoon, tingnan nʼyo po kung paano nila kami pagbantaan. Tulungan nʼyo po kami na inyong mga lingkod na maging matapang sa pangangaral ng inyong salita. 30 Ipakita nʼyo po ang inyong kapangyarihan na magpagaling at gumawa ng mga tanda at kababalaghan sa pangalan ng inyong banal na lingkod na si Hesus."

31 Pagkatapos nilang manalangin, nayanig ang lugar kung saan sila nagkakatipon. Lahat silaʼy napuspos ng Banal na Espiritu at ipinahayag nang buong tapang ang salita ng Diyos.

Em outras traduções

  1. ABTAG Ang Biblia 1905 (Ang Dating Biblia)

    29 At ngayon, Panginoon, tingnan mo ang kanilang mga bala: at ipagkaloob mo sa iyong mga alipin na salitain ang iyong salita ng buong katapangan,

    30 Samantalang iyong iniuunat ang iyong kamay upang magpagaling; at upang mangyari nawa ang mga tanda at mga kababalaghan Gawa 3:6.sa pangalan ng iyong banal na si Jesus.

    31 At nang sila’y makapanalangin na, ay nayanig Gawa 16:26.ang dakong pinagkakatipunan nila; at nangapuspos silang lahat Gawa 2:4.ng Espiritu Santo, at kanilang sinalita na may katapangan ang salita ng Dios.

Direitos das traduções citadas

Estes versículos te tocaram? Ore agora!

+581 estão orando agora.

Junte-se à corrente de oração.