Sina Ananias at Safira
1 May isang lalaki namang nagngangalang Ananias, kasama ang kanyang asawang si Safira, ang nagbenta ng bahagi ng kanilang ari-arian. 2 Ngunit nagtago siya ng ilang bahagi ng pinagbilhan at sinang-ayunan naman ito ng kanyang asawa. Pagkatapos, dinala niya ang natirang halaga at ibinigay niya sa mga apostol.
3 Nagtanong si Pedro, "Ananias, bakit ka nagpalinlang kay Satanas? Nagsinungaling ka sa Banal na Espiritu at itinago mo ang ilang bahagi ng pinagbilhan ng lupa ninyo. 4 Hindi baʼt ikaw ang may-ari ng lupa bago mo ʼyon ipinagbili? At nang maipagbili na, hindi baʼt ikaw rin ang magpapasya kung ano ang gagawin mo sa pera? Paano mo nagawang magbalak ng ganito sa iyong puso? Hindi ka sa tao nagsinungaling, kundi sa Diyos!"