30 Kaya patakbong lumapit sa karwahe si Felipe, at narinig niyang binabasa ng lalaki ang aklat ni Propeta Isaias. Tinanong siya ni Felipe, "Nauunawaan ba ninyo ang inyong binabasa?"
31 Sumagot ang eunuko, "Paano ko mauunawaan kung wala namang magpapaliwanag sa akin?" Kaya inanyayahan niya si Felipe na sumakay sa kanyang karwahe at maupo sa tabi niya.