Nakakilala si Saulo sa Panginoon
1 Samantala, patuloy pa rin ang pagbabanta ni Saulo sa buhay ng mga alagad ng Panginoon. Pinuntahan pa niya ang punong pari 2 at humingi ng mga sulat para sa mga sinagoga sa Damasco upang hulihin at dalhin sa Jerusalem ang sinumang makikita niya doon na sumusunod sa Daan9:2 sumusunod sa Daan: Ang ibig sabihin, "sumasampalataya kay Hesus.", lalaki man o babae. 3 Nang malapit na si Saulo sa lungsod ng Damasco, bigla siyang napalibutan ng nakakasilaw na liwanag mula sa langit. 4 Natumba siya, at may narinig siyang tinig na nagsasabi, "Saulo, Saulo! Bakit mo ako inuusig?"
5 Sumagot si Saulo, "Sino po kayo, Panginoon?"
Sinagot siya ng tinig, "Ako si Hesus na iyong inuusig.
15 Ngunit sinabi ng Panginoon kay Ananias, "Pumunta ka. Sapagkat siya ang pinili kong lingkod na magpapahayag tungkol sa akin sa mga Hentil at sa kanilang mga hari, at sa mga Israelita.
17 Kaya pinuntahan ni Ananias si Saulo sa naturang bahay at pumasok siya rito. Ipinatong niya ang kanyang mga kamay kay Saulo at sinabi, "Kapatid na Saulo, ang Panginoong Hesus na nagpakita sa iyo sa daan habang papunta ka rito ang nagsugo sa akin. Inutusan niya ako rito upang muli kang makakita at mapuspos ng Banal na Espiritu."
20 Agad niyang ipinangaral sa mga sinagoga na si Hesus ang Anak ng Diyos.