Pular para o conteúdo
Publicidade

Mga Gawa 9:3-9

3 Nang malapit na si Saulo sa lungsod ng Damasco, bigla siyang napalibutan ng nakakasilaw na liwanag mula sa langit. 4 Natumba siya, at may narinig siyang tinig na nagsasabi, "Saulo, Saulo! Bakit mo ako inuusig?"

5 Sumagot si Saulo, "Sino po kayo, Panginoon?"

Sinagot siya ng tinig, "Ako si Hesus na iyong inuusig. 6 Tumayo ka at pumunta sa lungsod, at doon ay may magsasabi sa iyo kung ano ang dapat mong gawin."

7 Ang mga kasama ni Saulo na naglalakbay ay natigilan at hindi nakapagsalita. Narinig nila ang tinig, ngunit wala silang nakita. 8 Tumayo si Saulo, ngunit pagmulat niya, hindi na siya makakita. Kaya inakay na lang siya ng mga kasama niya hanggang sa Damasco. 9 Tatlong araw siyang hindi nakakita, at hindi siya kumain o uminom.

Estes versículos te tocaram? Ore agora!

+581 estão orando agora.

Junte-se à corrente de oração.