Pular para o conteúdo
Publicidade

Deuteronomio 13

Pagsamba sa mga Diyos-diyosan

1 Kung may isang propeta o tagapagpaliwanag ng panaginip na nangako sa inyo, na magpapakita siya ng mga himala at kamangha-manghang bagay, 2 at nangyari ang sinabi niya, at sabihin niya sa inyo, "Sumunod tayo at sumamba sa ibang mga diyos na hindi pa natin nakikilala." 3 Huwag kayong maniwala sa kanya, dahil sinusubukan lang kayo ng Panginoon na inyong Diyos kung minamahal nʼyo ba siya nang buong pusoʼt kaluluwa. 4 Ang Panginoon na inyong Diyos lang ang dapat ninyong sundin at igalang. Tuparin ninyo ang kanyang mga utos at sundin nʼyo siya; paglingkuran siya at manatili kayo sa kanya.

Estes versículos te tocaram? Ore agora!

+581 estão orando agora.

Junte-se à corrente de oração.

Veja também