Malinis at Maruming Pagkain
1 Mga anak kayo ng Panginoon na inyong Diyos. Kaya kung magluluksa kayo sa patay, huwag ninyong susugatan ang mga sarili ninyo o aahitan ang mga ulo ninyo. 2 Sapagkat mga mamamayan nga kayo ng Panginoon na inyong Diyos. Sa lahat ng tao sa mundo, kayo ang kanyang pinili na maging espesyal niyang mga mamamayan.