Pular para o conteúdo
Publicidade

Deuteronomio 6

4 Makinig kayo, mga mamamayan ng Israel: Ang Panginoon na ating Diyos ay iisang Panginoon lang.6:4 Ang Panginoon na ating Diyos ay iisang Panginoon lang: O Ang Panginoon na ating Diyos, siya lang ang Panginoon. 5 Mahalin ninyo ang Panginoon na inyong Diyos nang buong puso, nang buong kaluluwa, at nang buo ninyong lakas. 6 Huwag ninyong kalilimutan ang mga utos na ito na ibinigay ko sa inyo ngayon. 7 Ituro ninyo ito sa inyong mga anak. Pag-usapan ninyo ito kapag kayoʼy nasa inyong mga bahay at kapag naglalakad, kapag nakahiga, at kapag babangon kayo. 8 Itali ninyo ito sa inyong mga braso o ilagay sa inyong mga noo bilang paalala sa inyo. 9 Isulat ninyo ito sa mga hamba ng inyong bahay at sa bukana ng pintuan ng inyong mga lungsod.

Veja também