Pinabalik ni Haring Ciro ang mga Hudyo sa Kanilang Lupain
1 Noong unang taon ng paghahari ni Ciro sa Persia, tinupad ng Panginoon ang kanyang sinabi sa pamamagitan ni Jeremias1:1 tinupad … Jeremias: Para mangyari na mapalaya ang mga Israelita sa pagkabihag sa Babilonia paglipas ng 70 taon (tingnan sa Jer. 25:11 at 29:10).. Hinipo niya ang puso ni Ciro upang gumawa ng isang pahayag. Isinulat ito at ipinadala sa buo niyang kaharian.
2 "Ito ang mensahe ni Haring Ciro ng Persia:
"Ibinigay sa akin ng Panginoon, ang Diyos ng langit, ang lahat ng kaharian dito sa mundo, at ipinagkatiwala niya sa akin ang pagpapatayo ng templo para sa kanya roon sa Jerusalem na sakop ng Juda. 3 Kayong lahat na mamamayan ng Diyos, bumalik na kayo sa Jerusalem at muli ninyong ipatayo roon ang Templo ng Panginoon, ang Diyos ng Israel, na nakatira sa lungsod na iyon. At samahan niya sana kayo. 4 Ang mga natitirang tao sa mga lugar na tinitirhan nʼyong mga Israelita ay dapat tumulong sa inyong paglalakbay. Magbibigay sila ng mga pilak at ginto, mga kakailanganing bagay, mga hayop, at pagtulong na kusang-loob para sa Templo ng Diyos sa Jerusalem."