Pular para o conteúdo
Publicidade

Mga Taga-Efeso 4

25 Kaya huwag na kayong magsisinungaling. Ang bawat isaʼy magsabi ng katotohanan sa kanyang mga kapatid4:25 Tingnan sa Zac. 8:16. kay Kristo, dahil kabilang tayong lahat sa iisang katawan. 26 Kung magalit man kayo, "huwag kayong magkasala"4:26 Salmo 4:4. Ito ay hango sa saling Septuagint.. At huwag ninyong hayaan na lumipas ang araw na galit pa rin kayo. 27 Huwag ninyong bigyan ng pagkakataon si Satanas. 28 Ang magnanakaw ay huwag nang magnakaw, sa halip ay maghanapbuhay siya nang marangal para makatulong din siya sa mga nangangailangan.

29 Huwag kayong magsasalita ng masama kundi iyong makabubuti at angkop sa sitwasyon para maging kapaki-pakinabang sa nakakarinig.

Veja também