6 Bagamaʼt siya ay Diyos,
hindi niya itinuring ang pagiging kapantay ng Diyos
bilang isang bagay na dapat panghawakan.
7 Sa halip, ibinaba niya nang lubusan ang kanyang sarili
sa pamamagitan ng pag-aanyong alipin.
Naging tao siyang tulad natin.
8 At sa pagiging tao niya,
nagpakumbaba siya at naging masunurin sa Diyos hanggang sa kamatayan,
maging sa kamatayan sa krus.