Mga Anak ng Diyos sa Pananampalataya
26 Kayong lahat ay mga anak ng Diyos dahil sa pananampalataya ninyo kay Kristo Hesus, 27 dahil binautismuhan kayo sa pakikipag-isa ninyo kay Kristo3:27 sa pakikipag-isa ninyo kay Kristo: O bilang tanda na kayo ay nakay Kristo na. at namumuhay kayong katulad niya. 28 Ngayon, wala nang pagkakaiba ang Hudyo sa Hentil, ang alipin sa malaya, ang lalaki sa babae. Kayong lahat ay iisa na dahil kayoʼy nakay Kristo Hesus na.