Magtulungan Tayo
1 Mga kapatid, kung may magkasala man sa inyo, kayong mga ginagabayan ng Espiritu ang dapat tumulong sa kanya upang magbalik-loob sa Panginoon. Ngunit gawin nʼyo ito nang buong hinahon, at mag-ingat kayo dahil baka kayo naman ang matukso. 2 Tulungan ninyo ang isaʼt isa sa mga problema, at sa ganitong paraan ay matutupad ninyo ang kautusan ni Kristo.